Piolo Pascual says he is not afraid of growing old alone

With his strong faith and family beside him, Piolo Pascual doesn't give much thought to being alone.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/14/2009 12:18 AM
Piolo Pascual says he is not afraid of growing old alone


Sinabi ni Piolo Pascual sa The Buzz kahapon na hindi umano siya natatakot tumandang mag-isa dahil alam niyang hindi ito mangyayari. “I know it will never happen because bukod sa nandyan ‘yung family ko, I know that we all have ‘yung destined partner for each one of us. So kini-claim ko naman ‘yon so hindi ko iniisip na tatanda akong mag-isa,” kuwento ang aktor. Nang tanungin siya kung ano sa tingin niya ang kanyang greatest strength, sagot ni Piolo, “Siguro faith. More than anything I always believe in God’s purpose and God’s plan and to never go against it and just live up my destiny.”

Undoubtedly one of today’s brightest stars and most sought-after actor, inamin ni Piolo na there was a time na nalunod din siya sa kasikatan. “Nung nagsisimula ako sa showbiz, at that time ang daming nangyayari sa buhay ko, dire-diretso ‘yung blessings,” kwento ng aktor. “For a time, naririnig ko na rin sa ibang tao na parang, ‘Nagbabago ka na’ and it was a turning point in my life actually where I became a Christian. That was almost eight years ago. So dun ko nasabi sa sarili ko na parang ‘hindi na kita kilala’ kasi iba na ‘yung kinikilos mo. Siguro ‘pag nalulunod ka sa ginagawa mo minsan, you tend to lose yourself. Dun ko na-realize na hindi puwedeng ganon. You cannot be just happy and not mind people around you kasi minsan may natatapakan ka na hindi mo.”

Sa tanong na kung na-meet na ba niya ang babaeng nagturo sa kanya ng tunay na pag-ibig, sumagot si Piolo na hindi niya kayang sabihin kung oo o hindi. “Maybe she’s just around the corner. I do hope na everything will fall into place.” Pero nilinaw niya na naniniwala siya sa true love at kung sinuman umano ang makapagpakita sa kanya nito ay ang kanyang pakakasalan.

Naging malalim ang kanyang sagot nang pinapili siya ng The Buzz host na si Ruffa Gutierrez kung ano ang pinakaimportante sa kanya ngayon; ang showbiz career, quiet life, at babe (o pag-ibig). “Honestly, my priority is my career but I would want a quiet life. Of course in time, and given the proper time, when all things fall into place I want to be with my babe,” nakangiti niyang sagot.