• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion says she has already bought her Christmas gift for Piolo Pascual

KC Concepcion says she has already bought her Christmas gift for Piolo Pascual

KC Concepcion reveals her Christmas present for leading man Piolo Pascual is still making its way to the Philippines.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/13/2009 11:56 PM
KC Concepcion says she has already bought her Christmas gift for Piolo Pascual


Nabili na ni KC Concepcion sa US ang Christmas gift niya kay Piolo Pascual. Nabanggit ni KC sa thanksgiving party ng katatapos lang na teleserye nila na Lovers in Paris na ang Christmas gift niya kay Piolo has something to do sa hilig ng aktor. “Uhm, nabili ko na kaya lang hindi pa po dumarating,” bungad ni KC. Humingi pa raw ng tulong si KC sa pinsan niya sa US sa pagbili ng Christmas gift niya for Piolo. “Actually, marami po akong pinabili doon, eh. Uhm, ang hirap hanapin dito at saka mahal i-order on line. Pina-balikabyan box ko po.”

KC also mentioned na pati regalo niya sa kanyang mommy na si Sharon Cuneta at daddy na si Gabby Concepcion ay doon rin niya binili. What about ang bago niyang ka-close na half-sister na si Garie? “Yes, doon din po. Hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano ang regalo ko sa kanya. Pero hindi po ako ‘yung malaking magbigay ng gift. I mean, mostly tinatanong ko ’yung mga taong nasa paligid nila tapos tinatanong ko kung ano ‘yung kailangan nila para sure na magamit. Kasi pinaka-ayoko kapag nagbigay ng gift tapos hindi mo gagamitan, pang-display lang. Mas gusto ko’ng maluma dahil gingamit kesa ’yung bago siya forever dahil hindi siya ginamit.”

Ano naman ang masasabi niya sa napaka-open na paghanga ng international artist a Pinoy din na si Apl de Ap ng Black Eyed Peas sa kanya? “Nagulat nga po ako doon, e. Bigla na lang po’ng biglang kinontak ako. Nagulat nga po ako because ah, mahal na mahal niya ang Pilipinas. So, no matter kung saan or ano na ang narrating niya, sino na ang mga nakakasama niya sa trabaho, parang hindi pa rin nalilimutan ang Pilipinas. So, nakaka-relate po ako kasi umalis din ako ng matagal, ayun.”

At dahil tapos na ang project nila ni Piolo Pascual, sino naman ang gusto niya na susunod na leading man niya between John Lloyd Cruz and Jake Cuenca? “Well, actually, lagi ko nga po’ng sinasabi kay John Lloyd na I’d love to work with him lalo na hindi pa siya Box Office King noon nakikita ko na ang pag-arte niya at nakilala ko na rin siya sa pamilya siyempre before (dahil kay Ciara Sotto, na tiyahin ni KC at ex-girlfriend ng aktor). So, mas kilala ko si John Lloyd in that sense at saka naka-work ko na si Jake (sa I Am KC). Si John Lloyd hindi pa,” tapos ni KC.