• Home
  • Fresh Scoops
  • Jinkee Pacquiao says she is willing to forgive Krista Ranillo

Jinkee Pacquiao says she is willing to forgive Krista Ranillo

Jinkee Pacquiao says she will greet Krista Ranillo a 'Merry Christmas' if she bumped into the sexy actress.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/14/2009 12:22 AM
Jinkee Pacquiao says she is willing to forgive Krista Ranillo


Sinabi ni Jinkee Pacquiao sa panayam ng The Buzz team last Sunday na kung totoo man ang mga akusasyon na nagkarelasyon ang kanyang asawang si Manny Pacquaio kay Krista Ranillo ay handa pa rin umano siyang magpatawad. “Ang Diyos naman nagpapatawad, tayo pang mga tao. Kasi kapag ‘di ka nagpatawad, ‘di ka maka-move on, parang iniisip mo pa rin ‘yung problema. Iniisip mo pa rin ‘yung issue so kailangan patawarin mo na ‘yung tao at maging happy na lang kung anong meron,” say pa ni Jinkee.

Kinumpirma rin ni Jinkee na humingi ng tawad sa kanya si Manny dahil umano sa problemang kanilang kinasangkutan at sa mga stress na idinulot ng balitang pagkaka-involve daw ng boxer kay Krista. Sa lahat umano ng pinagdaanan nilang intriga, ito raw ang pinakamahirap sa kanilang mag-asawa. “Kasi parang naapektuhan na ‘yung mga anak ko. ‘Yung family ko pati ‘yung family ni Manny parang naiilang na sa isat-isa dahil sa mga chismis. Nung nasa US ako sabi ko ‘wag na munang manood ng TV (ang mga bata) kasi di ba, nakakaintindi na sila?”

Gayunpaman, never umanong sumagi sa isip ni Jinkee na isuko ang laban para sa pamilya. Marami umano ang mga pinagdaanan nilang mag-asawa upang mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Sinabi pa ni Jinkee na para rin siyang boksingero na handang labanan ang sinuman upang ipaglaban ang kanyang pamilya.

Sa tanong naman kung sinabi umano talaga niya na mag-asawa ng walang sabit si Krista, sumagot si Jinkee na ito ang mensahe niya para sa sexy actress. “Siyempre bata pa siya. Kung gusto niyang maging maganda ‘yung family, kung mag-asawa siya in the future, kung gagawin din ng husband niya sa kanya ‘yon baka masasabi niya na masakit pala. ‘Pag ma-experience niya ‘yung ganyan, mapi-feel niya ‘yong pinagdadaanan ng mga may asawa,” paliwanag ni Jinkee.

Ipinaliwanag din ni Jinkee kung bakit siya naiyak sa Thanksgiving Mass na ginanap sa pagkapanalo ni Manny sa huli niyang laban sa Las Vegas, USA. “Inaamin ko naman na medyo nagkatampuhan kami ni Manny, may problema, pero na-touch lang talaga ako sa homily ng priest about family, about sa relationship, about sa mga anak. Hindi ko lang napigilan. Kapag totoo ka kasi, gusto mong i-realse para gusto mong ma-relieve ko.

Sa tanong naman na kung ano ang sasabihin niya kung sakaling magkasalubong sila ni Krista, maikli lamang ang sagot ni Jinkee, “Hello, hi-hello na lang. Merry Christmas!”