• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex-PBB housemate Rocky Salumbides says he will fight for Eula Valdez's love

Ex-PBB housemate Rocky Salumbides says he will fight for Eula Valdez's love

Rocky Salumbides recalls on The Buzz how his love story with actress Eula Valdez began.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/14/2009 12:12 AM
Ex-PBB housemate Rocky Salumbides says he will fight for Eula Valdez's love


“Mahal na mahal kita kahit na anong mangyari, kahit anong hamon pa ‘yung dumating sa pagmamahalan namin ipaglalaban ko ‘yon. ‘Yun lang ‘yung kaya kong gawin, ipaglaban ‘yung pagmamahal ko sa kanya,” mensahe ng dating Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Rocky Salumbides nang tanungin siya ng The Buzz host na si Boy Abunda kung ano ang mensahe para sa girlfriend na si Eula Valdez.

Matatandaang after one month lang sa loob ng bahay ni Kuya, considering the fact na isa rin siya sa latest addition sa mga housemates, ay nag-voluntary exit agad si Rocky dahil sa sobrang pagka-miss niya sa actress-girlfriend. Kuwento pa ng model, una umanong nagkita sila ni Eula last year kung saan siya ang naging leading man ni Eula sa isang music video noong nakaraang taon. Nang tawagan umano siya ng agent niya noon at sinabing makakasama ang aktres, hindi pa kilala ni Rocky si Eula. Ang mas nakakakilala umano sa aktres ay ang kanyang lola at ina dahil pinapanood nila noon ang Pangako Sa ‘Yo, kung saan gumanap bilang Amor Powers si Eula.

Matapos umano ng kanilang shoot ay nagpasalamat si Rocky through text sa pamangkin ni Eula na kumuha sa kanya para sa music video project. Nagulat umano siya na si Eula ang sumagot sa text at niyaya ni Rocky na lumabas sila minsan ng aktres. “Okay naman daw, puwede naman lumabas pag hindi busy,” sagot umano ni Eula.

Ilang buwan pa umano ang nakalipas ay napanood ng model ang aktres sa TV in a performance. “Tapos nag-text ako sa kanya ng, ‘Wow ganda ng balikat mo.’ Parang sumasayaw po kasi siya habang kumakanta nun, so nakikita ko po ‘yung mga cuts ng balikat niya.”

While dating, may mga pagkakataon na pumunta sa South Africa si Rocky for some modeling commitments where he stayed for five months. At this point ay tinanong ni Kris Aquino kung bakit nakatiis siya ng ganon katagal na hindi sila nagkikita samantalang isang buwan pa lamang sa PBB house ay nakiusap na siyang lumabas. “Nung time na ‘yon hindi pa po kami ganun ka-close talaga,” ani Rocky patukoy sa stay niya sa Africa. Gayunpaman, sa mga panahong iyon daw umano niya napagtanto na espesyal sa kanya si Eula. “Na-miss ko po siya. Andami ko pong napatunayan sa sarili ko na siya po talaga. Siya talaga ang mahal ko.”

Sinabi rin ni Rocky na habang inaayos pa ni Eula ang kanyang marital status with her estranged husband ay willing naman siyang maghintay.