• Home
  • Fresh Scoops
  • SNN Exclusive: Hayden Kho claims that he has finally forgiven his detractors

SNN Exclusive: Hayden Kho claims that he has finally forgiven his detractors

Hayden Kho, despite his downhearted state, admits he still believes in happy endings.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/11/2009 8:30 AM
SNN Exclusive: Hayden Kho claims that he has finally forgiven his detractors


Ngayong natanggalan na ng karapatang mag-practice ng medicine ang kontrobersyal na si Hayden Kho ay sinusubukan nitong humulma ng panibagong karera sa business industry. Kasalukuyan di umano'y pumapasok sa isang prestihiyosong business school ang binata upang bigyang buhay ang alternate career niya na noon pa may pinangarap na rin niyang gawin.

A very bad dream, this is how Hayden Kho best describes the ordeal he had been through these past few months. Para raw mapanatag na lamang niya ang loob niya kahit papaano'y sinusubukan na lamang niyang isipin na isang masamang panaginip ang lahat ng pinagdaanan niya; ngunit sa kabila naman nito'y hindi niya tinanggal sa sarili ang paghingi ng tawad sa mga taong nasaktan niya, one way or another, along the way. Paggigiit nga niya, "I hope those people I've wronged have forgiven me. Hindi man ako personal na lumapit sa kanila, I hope they have found it in their hearts to forgive me."

At dahil siya nga mismo ay umaasa ng kapatawaran, bukas din naman daw si Hayden sa pagpapatawad sa mga taong nakasakit sa kanya through the said ordeal. Ani nga niya, "Yes, I have forgiven them. I still believe in happy endings." Wala di umanong perpektong tao, kaya importante di umano ang spirit of forgiveness dahil hindi maiiwasan ng lahat ng tao na magkamali paminsan-minsan, ito na di umano ang pinaka makabuluhang aral na iniwan sa kanya ng unos na pinagdaanan niya.

Kaugnay ng nalalapit na kapaskuhan, ang natatanging hiling na lamang ni Hayden ay katahimikan. Sa hirap ng pinagdaanan niya, sinasabi niyang lubos niyang ikatutuwa kung magagawa niyang i-celebrate ang pasko ngayong taon na hindi pinagpyepyestahan ng media ang buhay niya. Apila nga niya sa publiko, "Just please let me live my own life."