• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz is confused between Shaina Magdayao and Sarah Geronimo

Rayver Cruz is confused between Shaina Magdayao and Sarah Geronimo

Who is Rayver Cruz's ideal girl when it comes to choosing a ka-love team?

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/12/2009 1:25 AM
Rayver Cruz is confused between Shaina Magdayao and Sarah Geronimo


Nagkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN.com na makausap si Rayver Cruz sa presscon-Christmas party para sa press ng Star Magic last Wednesday. Matagal-tagal ding hindi namin nakakausap si Rayver simula ng pumanaw ang kanyang Daddy Rodolfo Illustre months ago. “Mabuti naman po! So far, kahit papano po ay unti-unti naman kaming nakaka-recover after Dad passed away. Medyo si Mommy lang ang inaalala namin kasi most of the time ay hindi namin siya pwedeng maiwanang mag-isa lang sa house. Yun nga lang, kapag naaalala mo talaga si Daddy, nakakalungkot lang lalo na ngayong papalapit na ang Pasko, ‘di ba? This is the first time na magpa-Pasko kaming wala si Daddy. Nakakapanibago para sa aming lahat na nagmamahal sa kanya. But we're planning na sa December 25, araw ng Pasko mismo ay pupunta kami ng cemetery para dun kami lahat sa tabi niya." pagkukuwento pa ni Rayver.

And kahit ganun pa ang sitwasyon ng kanilang buhay ay patuloy pa din ang pagalaw ni Rayver sa mundo ng showbiz. “Oo naman po! Ganoon lang talaga ang buhay at alam naman ni Daddy nung nabubuhay pa siya na mahal na mahal ko ang trabaho kong ito sa showbiz at nandoon lagi 'yung suporta niya sa akin. So far, ayun, hanggang January pa yata or February ang May Bukas Pa namin nina Santino, ginagawa ko na rin po ngayon 'yung teleserye namin nina Roxanne Guinoo at Sid Lucero na Mahal na Mahal Kita ni Direk Chito Rono, tapos ASAP. And this coming December 25 na po ang Shake, Rattle & Roll-XI namin na entry po ng Regal Films for the Metro Manila Film Festival. Kami po ni Jennica Garcia ang magkasama sa ‘Laman-Lupa’ episode with Mart Escudero.”

Biglang naitanong kay Rayver ang dalawang babaeng matagal ng nalilink sa kanya. Kung pagbibigyan siya ng pagkakataong mamili kung sino kina Sarah Geronimo at Shaina Magdayao ang gusto niyang maka-loveteam, sino kaya sa dalawa ang kanyang pipiliin? “Naku! Hahaha! Pareho ko namang kaibigan ang dalawa. Siyempre, sa totoo lang, nakaka-miss ka-trabaho si Shaina, not for anything else po, si Shaina kasi 'yung unang-una nilang itinambal sa akin, siya 'yung naging ka-loveteam ko, at saka kung magkakaroon man kami ulit ng projects ni Shaina this time, alam ko namang papayagan siya ni John Pratts dahil magkaibigan kami ni John. Pero, as of now, since wala pa naman silang planong i-loveteam sa akin, ayun, nagko-concentrate na lang muna ako sa mga solo actings ko, tapos pagsasayaw ko,” sabi ni Rayver.

Hindi rin maiwasang kamustahin ang chismis na ilalabas niyang isang sing and dance album early next year? “Ah, inaayos palang po hanggang ngayon. Hopefully po ay early next year po or by 2010 sabihin na natin, mailalabas na namin 'yung album ko. Excited na rin po ako dahil gustong-gusto ko po talaga ang pagkanta rin aside from pagsasayaw na nakikita ninyo palagi sa akin sa mga shows namin like sa ASAP,”pagtatapos ni Rayver.