• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista says she gets tired answering questions about Jericho Rosales

Heart Evangelista says she gets tired answering questions about Jericho Rosales

Heart Evangelista admits she doesn't want to force a friendship with ex-boyfriend Jericho Rosales.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/12/2009 1:45 AM
Heart Evangelista says she gets tired answering questions about Jericho Rosales


Hindi itinanggi ni Heart Evangelista na napapagod din siya sa pagsagot ng mga tanong tuwing uusisain siya hinggil sa kanyang past relationship sa aktor na si Jericho Rosales. “Parang you’d like to see what’s new for you and parang ganyan every time the people keep reminding you of that time. But again it’s inevitable because it was such a big issue,” paliwanag niya. Kung siya rin naman ang tatanungin mas gusto sana niyang huwag nang ungkatin ang isyu. “Ako pa naman hirap na hirap akong magsinungaling eto nga ayoko na ngang magsalita pero salita pa rin ako ng salita.”

Sinabi naman ng 24-year-old actress na sa totoo lang ay wala nang hard feelings with Echo pero at the same time, inamin din niya na hindi pa siya handang maging friends with her ex-boyfriend. “Wala nang feelings. Masaya naman kami and we’re really good,” say pa ng aktres. “But it’s just that we need to do what we need to do and maybe from a distance lang kami, admire each other.” Nang tanungin kung ano ang maaaring gawin ni Echo upang muling mabuo ang kanilang pagkakabigan, sagot ni Heart, “Wala kang magagawa. Time heals all wounds and I’m healed. It’s just that I’m living my life now. My time naman to love myself.” At kahit na single siya ngayon, sinabi ni Heart na hindi siya nagmamadali na muling pumasok sa isang relasyon. “Hindi ko alam eh parang ayoko muna (ng love-life). Maghihintay na lang ako kung nasaan ako. Ngayon, tuluy-tuloy ang buhay ko at darating na lang siya.”

Sobrang blooming naman ngayon ang career ni Heart at makakasama pa sa dalawang movie sa Metro Manila Film Festival this Christmas Day. Siya ay gaganap bilang anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6 habang gaganap siya bilang young character ni Gloria Romero sa pelikula ng King of Comedy na si Dolphy sa Nobody, Nobody but Juan. Supporting lamang ang role ni Heart pero hindi na rin umano niya pinalampas ang oportunidad. “The reason I did this (it’s because) siyempre it’s an honor na tanungin ka ni Tito Dolphy if you want, so of course yes! Tapos godfather siya ng daddy ko so it’s such an honor to be with him.”

Ang Nobody, Nobody But Juan ay ipapalabas sa December 25 at makakasama rin dito sina Eric Quizon, G. Toengi, Eddie Garcia, Epy Quizon, Vandolph at Pokwang, at may participasyon din si Willie Revillame.