Gab Valenciano and Rachelle Ann Go: Still trying to move on

Months after their break up, Gab Valenciano and Rachelle Ann Go admit that they are still struggling to move on from their relationship's painful end.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/12/2009 1:10 AM
Gab Valenciano and Rachelle Ann Go: Still trying to move on


Ilang buwan na ring hiwalay ang dating magkasintahang sina Gab Valenciano at Rachelle Ann Go, ngunit hanggang sa kasalukuya'y napapabalitang pareho pa ring hindi makapag-move on ang dalawa. As of the moment, wala pa ring nali-link maski sa isa sa kanila, kaya naman kaugnay nito'y sinubukang alamin ng SNN kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nila.

Sa magkahiwalay na panayam, both parties confirmed na wala na talagang romantikong relasyong namamagitan sa kanila; in fact, nagkaroon na raw sila ng pagkakataon upang bigyan ng maayos na closure ang paghihiwalay nila ng landas. Now, mas casual na raw ang pakikitungo nila sa isa't isa, though the two of them admitted na mahirap talagang mag-move on mula sa break up nila because they truly treasure the relationship they had. It will really take some time ika nga nila.

Kaugnay naman ng espekulasyon ng posibleng pagbabalikan, hindi naman daw nagsasarado ng pinto sina Gab at Rahelle Ann. If ever that time comes, na ma-realize nilang they are really meant for each other, wala naman di umanong problema sa kanila na muling i-entertain ang naturang feelings; pero as of now, masaya na rin naman daw sila going separate ways.

Kung sakali naman daw na mayroong lalaking makabihag ng puso ni Rachelle Ann ngayong aminadong nasa moving on stage pa rin si Gab, isang maikli ngunit malamang pahayag naman ang iniwan ng binata sa SNN. Paggigiit ni Gab, "I don't think I'll be happy about it, pero the fact na masaya siya (Rachelle Ann), that will help me survive."