Aiko Melendez admits to having issues with Herbert Bautista

Actress and Quezon City Councilor Aiko Melendez defends herself from Vice Mayor Herbert Bautista's criticisms.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/11/2009 8:37 AM
Aiko Melendez admits to having issues with Herbert Bautista


Sa muling pagharap ni Konsehal Aiko Melendez sa entertainment press, may mga punto siyang sinagot na sa tingin niya’y dapat malaman ng mga tao tungkol sa magaganap sa darating na eleksyon sa Quezon City. Tinutukan ng ABS-CBN.com ang mga sinabi ng Konsehala/ aktres at parang teleserye ang tila mga kaganapan sa Kyusi. Una ay naglabas ng kanyang saloobin si Kon. Aiko tungkol sa diumano’y hindi magandang biro ni Vice Mayor Herbert Bautista sa kanya. Sa mga hindi pa nakakaalam, tatakbong Vice-Mayor si Kon. Aiko sa darating na 2010 elections sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino ni Pangulong Erap Estrada kung kaya’t hindi makakapagtakang may conflict sila ni Vice Bistek na kung pwede raw sana ay wala naman dahil pareho daw silang industriyang pinagmulan.

Sa panayam namin kay Kon. Aiko, tinanong namin siya kung bakit nag-desisyon siyang tumakbo finally as Vice Mayor ng Q.C? “Like what I want to address now, I am not an accidental candidate, sa mga hindi pa po nakaka-alam, I’m on my third termer as a Councilor, meaning to say, last term ko na ito at tinapos ko ang termino ko na siyam na taon bilang Konsehal.” Tuluy-tuloy pang sabi ng Konsehala at napag-alaman din naming kumuha rin pala siya ng crash course sa University of the Philippines na tungkol sa Legislation at kung paano maging isang mabuting Vice Mayor.

Dagdag pa ni Kon. Aiko, gusto niya ring iparating na sa pagkakataong ito ay isinasan-tabi raw muna niya ang pagiging artista, ang kanyang pangalan sa industriya at hindi nakakabit ang pangalan sa sinumang pulitiko. Ang punto ni Kon. Aiko, kumbaga raw sa isang estudyante, tinapos niya ang kanyang pag-aaral, dumaan siya mula elementary hanggang college sa pulitika. “Kung ako ang tatanungin, I have so much respect for Mayor Belmonte, he is one person po talaga na merong ginawa sa Quezon City. Ang sa akin lamang po na gustong tukuyin lamang dito ang kanyang anak na si Mrs. Joy Belmonte-Alimurong. Eh, hindi po siya dumaan sa kahit na anong posisyon, kumbaga, accelerated na siya agad. Siyempre po, anak siya ng Mayor. Ako eh, dumaan sa proseso, that’s why I want to stress out that I am not an accidental candidate.”

Sa patuloy na pakikipag-usap ng ABS-CBN.com kay Konsehala Aiko, natumbok din namin na ang umano’y hidwaan nila ni Vice Mayor Herbert ay nagsimula sa isang biro na umabot na sa inuman sa ilang handaan umano sa Q.C. Ito ay mismong ikinwento sa amin ni Kon. Aiko na nasa partido ni Cong. Mike Defensor na siyang tatakbong mayor ngayon sa Q.C. Si Vice Mayor Herbert ay nasa partido ni Mayor Belmonte kaya ganoon na lang ang kanilang pagkakainitan. Ayon pa kay Kon. Aiko, nagtaka lang daw siya kung bakit naging ganito ang pakitungo ni Vice Bistek sa kanya? “Nagtaka lang talaga ako kung bakit sa isang affair ay pinaringgan niya kami ni Kon. Lala Sotto na tamad at walang nagawa,” saad pa ni Kon. Aiko na halatang nasaktan sa sinabi umano ni Vice Bistek. Bilang Appropriations Chairman ng Konseho sinabi pa ni Konsehal Aiko na masama loob dahil hindi siya masagot ng Bise Mayor kung saan napunta ang pondo lalo na kung may kalamidad na nangyayari tulad ng Ondoy.

Nilinaw ni Kon. Aiko na hindi siya galit kay Vice Bistek, pero masama ang loob niya dahil sa birong binitiwan umano nito. “Ang turo po kasi sa akin ng nanay ko, if you have nothing good to say, then just shut up. Don’t say bad things na lang.” Nilinaw din ng Konsehala, kung proyekto lang ang pag-uusapan, marami na rin siyang naipagawang waiting shed, basketball courts, multi-purpose hall, at iba pang mga kailangan sa kanyang distrito na hindi na niya umano ipinamamalita. “You know, I am not the type na ‘pag may bagong proyektong ipinapagawa, eh, agad na may mga streamers o tarpaulin