SNN Exclusive: Hayden Kho finally faces all the intrigues

Just a day after his release from the hospital, Hayden Kho finally decides to courageously answer all the controversies continuously thrown against him.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/10/2009 8:28 AM
SNN Exclusive: Hayden Kho finally faces all the intrigues


Kanina sa Kapunan Lotilla, Garcia and Castillo Law Office, eksklusibong humarap ang dating doktor na si Hayden Kho sa SNN para sagutin ang intrigang bumabalot sa pagkakaospital niya nito lamang nakaraang linggo. Sa naturang paglabas, agad namang pinabulaanan ni Hayden ang naturang espekulasyon. Aniya, matagal na raw talaga ang karamdaman niyang iyon na noong una pa raw ay hininala niyang mild gastronomical pain lamang.

Sa ngayon, maayos naman na raw ang pakiramdam ng binata; at ang iba't ibang kwentong nagkalat na nagsasabing nakita siyang duguan at sugatan ay pinagtatawanan na lamang niya. Kaugnay nga rin nito, agad niyang ipinakita ang iba't ibang bahagi ng kanyang katawan na sinasabing tadtad noon ng sugat para lamang patunayan na wala itong bahid ng kahit na anumang galos. Kasabay rin nito, ibinulalas niyang: "I am not dead. I did not try to kill myself, and I do not know kung sino ang sinasabi nilang nakita nila."

Patungkol naman sa isyung pagtanggal ng PRC ng kanyang lisensya bilang isang doktor, hindi naman itinago ni Hayden ang kanyang pagkadismaya. Ani nga niya, marami pa sana siyang plano, like learning a new specialization for instance, para makapag-contribute sa medical science; but unfortunately for him, that dream is immediately ripped off the moment his license was revoked, thus causing him to fall into a rather deep depression.

Upang malaman ang iba pang mga detalye't kaganapang dumagdag di umano sa pagkaka-depress ni Hayden these past few months, tumutok sa katuloy ng eksklusibong panayam sa kanya ng SNN bukas, pagkatapos ng Pinoy Big Brother Double Up primetime edition.