• Home
  • Fresh Scoops
  • Katrina Halili speaks about Hayden Kho's rumored suicide attempt

Katrina Halili speaks about Hayden Kho's rumored suicide attempt

The sexy actress hopes that Hayden Kho sincerely repents for the things he has done to her.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/10/2009 11:59 AM
Katrina Halili speaks about Hayden Kho's rumored suicide attempt


Nagsalita ang controversial sexy star na si Katrina Halili sa napabalitang attempted suicide diumano ni Hayden Kho. Naawa naman daw siya kay Hayden pero hangga’t maaari ayaw muna niyang magsalita tungkol sa ex-boyfriend ni Dra. Vicki Belo. “Uhm, narinig ko po ‘yun. Pero ayoko munang mag-comment kasi hindi pa po kami pwedeng magsalita. Siyempre may kaso pa po kami,” paliwanag ni Katrina nu’ng makausap ng ABS-CBN.com sa kanyang tahanan sa New Manila, Quezon City nu’ng Martes.

Ano naman ang masasabi niya sa pagkatanggal ng lisensya ni Hayden bilang doctor? “Kulang pa ‘yun, kulang pa ‘yun,” ulit na sabi ni Katrina. Hanggang saan ang gusto niyag malasap na kaparusahan ni Hayden sa ginawa sa kanya? “‘Yun nga, ah, malaman niya na magsisisi po siya. At sana naman po kahit papano maparusahan naman siya sa ginawa niya.” Ano’ng klaseng hustisya ba ang gusto niyang malasap? “Makulong po siya (Hayden),” madiing sabi ni Katrina.

Sa usapin naman sa kanyang love life, wala raw siyang manliligaw sa ngayon. Hindi kaya natakot na si Katrina sa lalaki? “Baka po sila. Haha. Hindi, wala po, kasi ‘di ba trabaho po ako ngayon? Si Kris (Lawrence), okay naman po kami ngayon. Magkaibigan naman po kami.” Sila pa rin ba ni Kris? “Hindi, sinusuportahan pa rin po niya ako. Ayaw ko muna ng karelasyon. Pero close pa rin kami. Pumupunta po siya dito sa bahay namin.” Masasabi ba niya na si Kris ang inspirasyon niya Ngayong Pasko? “Opo, siya. Hahaha!” Gaano ka-espesyal si Kris sa buhay niya? “Special po. Kasi nand’yan po siya palagi para sa akin. Sinusuportahan niya ako ‘di ba? Tapos , and’yan lang siya, willing maghintay. Happy na ako doon.”

Sa palagay niya naka-bounce back na siya? “Ah, ang masasabi ko? Hindi pa, hindi pa talaga. Pero mas tumibay kasi ang dami kong problema na hinarap at hinaharap at haharapin pa. Tapos lahat ‘yun nalampasan ko at lalampasan ko pa sila. And ‘yung mga taong, maraming taong nagsuporta sa akin na nagpatibay ng loob ko talaga.” Nakakaranas pa rin ba siya ng sleepless nights? “Sa ngayon medyo nababawasan na rin ng konti. Hindi na masyado,” tapos ni Katrina.