• Home
  • Fresh Scoops
  • Diether Ocampo talks about the reunion with his 'Gimik 10' co-stars

Diether Ocampo talks about the reunion with his 'Gimik 10' co-stars

Diether Ocampo admits that he and his 'Gimik 10' co-stars became nostalgic after a being apart for a decade.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/1/2009 8:03 AM
Diether Ocampo talks about the reunion with his 'Gimik 10' co-stars


Dalawa ang project para kay Diether Ocampo na ipapalabas next year. Isa na nga rito ay ang Filipino adaptation ng Mexicanovela hit na Rubi. Si Diet ang leading man ni Angelica Panganiban na gaganap sa title role. Kasama rin sa teleserye sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Ani Diet, isa sa mga pinakamalaking teleserye ang Rubi para sa susunod na taon dahil nagsanib puwersa umano dito ang dalawang business units, from the creators of Iisa Pa Lamang at Tayong Dalawa.

Natutuwa ako siyempre dahil lahat ng pinaghirapan namin mapapanood na nila and nakakatuwa dahil… may mga bago kaming shows na maio-offer sa kanila,” ani Diet noong nakaraang Trade Launch na ginanap sa Subic Bay, Olongapo City.

Abot-tenga rin ang ngiti ng aktor nang tanungin siya sa isa pa niyang project, ang Gimik 10, kung saan nag-reunion ang original cast ng successful youth-oriented show noong 1990s, ang Gimik. “Parang nag-transport kami, very nostalgic ang feeling. Maraming nag-flashback sa ‘yong mga memories kaya finally nung nagkita-kita kami, finally we were able to work again together,” kuwento ni Diether. “It was such a great experience and everyone really enjoyed. In fact si Bojo (Molina) umuwi pa from Guam.” Kabilang din sa TV special na ito sina Judy Ann Santos, Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Mylene Dizon, G. Toengi, LJ Moreno. “Everyone was really excited about the reunion,” bida pa ng aktor.