• Home
  • Fresh Scoops
  • ABS-CBN hailed as Best Station in the 23rd Star Awards for Television

ABS-CBN hailed as Best Station in the 23rd Star Awards for Television

The Kapamilya network took home a total of 27 trophies including its eighth award as Best TV Station.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/1/2009 12:00 PM
ABS-CBN hailed as Best Station in the 23rd Star Awards for Television


Humakot ng pinakamaraming award ang ABS-CBN  sa 23rd Star Awards for Television  ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC, Inc.)  na ginanap sa PAGCOR Grand Theater sa Paranaque City kagabi. Kabilang dito ang pinakamataas na karangalan bilang Best Station na personal  na tinanggap ng ABS-CBN Channel Head na si Cory Vidanes. Ang Best Station award this year ng ABS-CBN ay ang ika-walong beses na iginawad ng PMPC sa Kapamilya network.

Umabot sa 27 trophies ang iniuwi ng Kapamilya network and stars kabilang ang Best Station. Nasungkit ng ‘mag-lola’ sa teleseryeng Tayong Dalawa na sina Gina Pareno at Coco Martin ang Best Drama Actress at Best Drama Actor, respectively. “Maraming-maraming salamat sa PMPC at sa mga manonood dahil hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin ako binibitawan. Talagang dapat ganu’n, walang bibitiw sa atin. Salamat ng marami sa mga manonood dahil hanggang ngayon, eh, wala kayong sawang sumusubaybay sa akin,” masayang pahayag ni Gina nang makapanayam ng ABS-CBN.com sa stage pagkatapos ng awards night.

Tinanghal naman na Best Drama Series ang May Bukas Pa na siya ring naging daan  para manalo ang bida rito na si ‘Santino’ na ginamapanan ni Zaijian Jaranilla bilang Best New Male TV Personality. Ka-tie niya si JR de Guzman ng Midnight DJ sa TV5. Ang Star Awards for TV ang ika-apat na trophy na nakuha ng May Bukas Pa bilang pagkilala sa kahusayan ng matagumpay at malaganap na primetime teleserye ng ABS-CBN. Ang controversial new talent ng Star Magic na si Maricar Reyes ang tinanghal naman bilang Best New Female TV Personality para sa kanyang pagganap sa Precious Heart Romance Presents Bud Brothers.

Iginawad naman sa longest drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya ang karangalan bilang Best Drama Anthology ng Star Awards for Television. Ito ang  ika-11 sunud-sunod na  beses na  panalo ng MMK sa  Star Awards for Television. Sa programa ring ito ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio nasungkit pareho sa unang pagkakataon nina Gretchen Barretto at Joross Gamboa ang kanilang first acting award. Nanalo si Gretchen sa kategoryang Best Single Performance by an Actress sa pagganap niya bilang mistress ng isang mayor sa episode ng Maalaala Mo Kaya na pinamagatang “Salamin.” Ka-tie niya rito ang four-time winner na sa Star Awards for Television na si Sunshine Dizon para sa performance niya bilang tomboy sa Obra.”

Ang iba pa’ng napanalunan ng ABS-CBN ay ang sumusunod:

Best Educational Program: Matanglawin
Best Morning Show: Umagang Kay Ganda
Best Morning Show Host: Edu Manzano, Pinky Wedd, Bernadette Sembrano, Rica Peralejo, Donita Rose, Alex Santos, Anthony Taberna, Winnie Cordero, Ginger Conejero and Kim Atienza
Best Public Affairs Program: Probe: Profiles
Best Public Affairs Program Host: Che-Che Lazaro (Probe: Profiles)
Best Documentary Special: Walang Iwanan
Best News Program: TV Patrol World
Best Male Newscaster: Julius Babao (TV Patrol World)
Best Variety/Game Show: Wowowee
Best Gag Show: Banana Split
Best Showbiz-Oriented Show: Showbiz News Ngayon
Best Male Showbiz-Oriented Show Host: Boy Abunda (SNN)
Best Female Showbiz-Oriented Show Host: Toni Gonzaga (Entertainment Live!)
Best Comedy Actor: Pooh (Banana Split)
Best Daytime Drama Series: Pieta
Best Drama Mini Series: Your Song Presents: My Only Hope
Best Musical Variety Show: ASAP ‘09
Best Male TV Host: Luis Manzano (ASAP ’09)