• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes and Jake Cuenca reveal what they miss about each other

Cristine Reyes and Jake Cuenca reveal what they miss about each other

Cristine Reyes and Jake Cuenca may have good chemistry on screen but the two clarify that they are only friends in real life.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/30/2009 1:11 AM
Cristine Reyes and Jake Cuenca reveal what they miss about each other


Muling magsasama sina Cristine Reyes at Jake Cuenca via Precious Hearts Romances Presents: My Cheating Heart. Una silang nagsama sa unang installment ng afternoon show na pinamagatang Bud Brothers kung saan ang kanilang episode ang pinakasinubaybayan.

Sa The Buzz kahapon ay inamin ng dalawa na na-miss nila ang isa’t isa. Napansin rin ng host na si Ruffa Gutierrez na very touchy si Cristine kay Jake na pinapatunayan lamang na komportable na sila sa isa’t isa. Sinabi ni Cristine na ngayong lagi na silang magkasama ni Jake ay lagi uli niya itong inaasar na siyang pinakanami-miss niyang ginagawa sa aktor. Ayon naman kay Jake, nami-miss niya kay Cristine ang pagiging sobrang malambing nito. “May araw ‘yan na tahimik talaga. Pero ‘pag sinimulan mo na, ‘pag sinimulan na niyang maglambing, tuloy-tuloy na ‘yan hanggang umaga hindi ka na tatantanan niyan,” natatawang kuwento ng aktor.

Ayon pa kay Jake ay matagal na silang magkakilala ni Cristine kahit nang nagsisimula pa lamang ang aktres at aniya, isa siya sa mga humahanga sa aktres, kagaya ng maraming kalalakihan. “Sino bang lalaki ang hindi magagandahan at mababaitan kay Cristine,” tanong ni Jake. Nilinaw naman ni Jake na sa taping, hindi lamang si Cristine ang dinadalhan niya ng pagkain kundi ang buong crew rin. Pero aniya, siyempre ay may special para lang kay Cristine. “Gusto ko komportable lahat ng tao sa set,” paliwanag ng aktor.

Ang Precious Hearts Romances Presents: My Cheating Heart, sa ilalim ng direksyon ni Direk Rory B. Quintos, ay magsisimula sa December 7 bago ang Katorse.