• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban and Derek Ramsay share why their relationship work despite their differences

Angelica Panganiban and Derek Ramsay share why their relationship work despite their differences

Real-life sweethearts Angelica and Derek open up how they stay in love amidst controversies.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/30/2009 1:04 AM
Angelica Panganiban and Derek Ramsay share why their relationship work despite their differences


Sa pagsalang ng real-life sweethearts na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa The Buzz kahapon, isa sa mga unang itinanong ng host na si Boy Abunda ay kung may naramdaman bang selos ang aktor sa love scene ni Angelica at Gabby Concepcion sa pelikulang I Love You, Goodbye. Mariing wala ang sagot ni Derek na kasama rin sa pelikula. “Honestly wala talaga. Ang ganda (ng eksena) eh,” paliwanag ni Derek. Ayon pa sa aktor, sa kanyang relasyon kay Angelica ay never siyang may pinagselosan. Aniya, ayaw na ayaw raw niya ang selosan. “I’m not the jealous type and ayokong issue ang jealousy pagdating sa relationship,” paliwanag ni Derek.

Umamin naman si Angelika na mayroon umano siyang pinagselosan pero hindi niya binanggit kung sino. Hindi rin umano niya masisisi ang boyfriend dahil guwapo ito. Nang tanungin naman siya ni Boy kung nakikita ba niya ang sarili na ma-in love sa isang older guy kung hindi sila magkarelasyon ni Derek, sagot ng aktres, “Mahirap mag-imagine dahil nasa relationship ka, so hindi ko ma-picture. Kung wala siya hindi ko masasabi kung sino ang lalaking ‘yon o kung older o bata. Kung wala siya (sa buhay ko) siguro may iba akong mahal. Ganun naman ang buhay, magmamahal at magmamahal ka.”

Angel also revealed na ang pinakamatagal na alitan nila ni Derek ay umabot ng tatlong linggo at sa mga panahong iyon ay nasa ibang bansa siya kaya’t umabot ng ganoon katagal. “Personally ayokong magkabati kami over the phone so hinintay ko talaga ‘yung time na magkikita kami. ‘Yung pinag-awayan namin sobrang mababaw. Hindi lang kami nagkaintindihan,” kuwento ni Angelica.

Never naman umano tiningnan ni Derek ang dating leading lady na si Bea Alonzo at co-star na si Kim Chiu sa I Love You, Goodbye in a romantic way kung kaya’t hindi umano niya alam kung mai-in love siya sa mga ito kung sakaling single siya. Dagdag pa ni Derek worried siya sa kalusugan ni Angelica dahil may problema ito sa puso at kinukumbinse na ipatanggal na ang tonsil niya dahil sa posibilidad na magdulot ito ng kumplikasyon sa puso ng aktres sa tuwing nai-infect ang tonsil nito. Pero nauunawaan naman ni Derek kung ayaw ni Angelica dahil kahit kasi siya ay kinukumbinsi ng aktres na ipa-opera ang tuhod nito pero ayaw niya. Ani Derek parehong matigas ang kanilang ulo pero worried talaga siya kay Angelica. Sinabi naman ni Angelica na plano niyang ipatanggal ang kanyang tonsil sa susunod na taon.

Meanwhile, sa pelikulang I Love You, Goodbye na official entry ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival, sinabi ni Angelica na hindi na sasama ang loob niya kahit hindi siya manalong Best Actress dahil kuntento na siyang mapabilang sa pelikula for the MMFF. “Sobra-sobra na po ‘yon. Nandito ako sa stage na masaya na po ako na pinagkatiwalaan ako ng Star Cinema para ako ‘yung magdala ng pelikula nila sa MMFF. Enough na ako sa ganoong blessings.”