• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin shares her experience at the 37th International Emmy Awards

Angel Locsin shares her experience at the 37th International Emmy Awards

For Angel Locsin, to be nominated in the prestigious Emmys is already a big win for her and the country.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/30/2009 1:32 AM
Angel Locsin shares her experience at the 37th International Emmy Awards


Hindi man pinalad na manalo sa 37th International Emmy Awards sa Best Foreign Actress category, winner pa rin si Angel sa pagdalo niya sa nasabing awards night dahil bukod sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas bilang kauna-unang Filipino actress na ma-nominate sa nasabing award giving body ay nag-stand out ang ganda ni Angel.

“Kakaibang experience talaga siya,” panimula ng aktres na napansin dahil sa kanyang pagganap sa teleseryeng Lobo. “It’s nice na makalabas ako sa box. Dito iba ‘yung culture, iba ‘yung approach nila. Marami akong bagay na natutunan. Hindi na ako magpapaka-plastic siyempre mas magiging masaya ako ‘pag nanalo talaga ako. Pero aarte pa ba ko, Julie Walters ‘yung nanalo. Just to be in the same league with some of the finest and respected actresses in our generation or sa buong mundo, is something that I can really be proud of. Kahit paano I’m very proud na na-represent ko ang Pilipinas. ”

Certified stunner din si Angel that night dahil sa kanyang white bejeweled gown na gawa ng Filipino fashion designer na si Michael Cinco na nakikilala na dahil sa kanyang fine designs. Sa panayam nga kay Angel ay ibinibigay niya sa designer ang credit kung bakit agaw-pansin ang kanyang gown that night.

Kinumpirma rin ni Angel na during that awards night ay tinawagan siya ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano. “Right after na ma-announce na si Ms. Julie Walters ang nanalo, sinabi niya na parang, ‘It’s okay just being there.” Pero nilinaw ni Angel na walang ibig sabihin ito dahil magkaibigan naman sila.

Patuloy rin ang papuring natatanggap ni Angel sa kanyang outreach program Shop and Share na nago-auction ng mga donated items ng mga artista para makalikom ng salapi para sa mga flood victims ng Bagyong Ondoy at Pepeng. Sinabi ni Angel na malaking bagay na makita siya na isang taong totoo at maraming kayang gawin bukod sa pag-arte. “Happy ako na nakikita ka ng tao na hindi lang ‘yung inaarte mo sa camera kundi kung paano ka talaga.”