Zanjoe Marudo grows as an actor in Lovers In Paris

Zanjoe shares how he is being honed as an actor as Lovers In Paris comes to a close this December.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/28/2009 8:03 PM
Zanjoe Marudo grows as an actor in Lovers In Paris


Isa si Zanjoe Marudo sa hottest male actors na tinututukan ng ABS-CBN ngayon. Looking back, nagsimula si Zanjoe bilang isang modelo, both in print and on television, pagkatapos ay pumasok siya sa Pinoy Big Brother nu'ng magkaroon ito ng Celebrity Edition. Doon ay nakilala si Zanjoe sa kanyang kakisigan at pananaw, kahit probinsiyano (tubong Batangas si Zanjoe) man ay hindi siya nagpatalo sa iba, lumutang ang galing niya sa mga tasks hanggang sa lumabas na sila sa outside world. Ngayon, mga dekalibreng aktor na ang kasama niya sa isa sa pinakamalaking teleseryeng Dos.

Ito ngang Lovers in Paris, he portrays the character of Martin, kaagaw ni Carlo (Piolo Pascual) sa puso ni Vivian (KC Concepcion) ang masasabi ng aktor na isa raw sa mabibigat na proyektong ibinigay sa kanya ng Dos. Dumalo ang ABS-CBN.Com sa Thanksgiving Party ng Lovers in Paris, doon ay aming nasaksihan kung paano siya pinuri ng kanyang mga co-actors at maging ng kanilang direktor na si F.M. Reyes. Magaling daw talaga si Zanjoe, may potensiyal at hindi 'yung tipong naglalaro lang sa set. With all the positive words coming from veteran actors and his director, kinunan namin ng komento si Zanjoe about this. "Ngayon lang ako nabigyan ng ganito kalaking project. Ang lagi kong ginagawa, fantasy, comedy. Ngayon lang talaga ako nabigyan ng seryosong role kaya masayang-masaya ako na naipapakita ko naman 'yung seryosong side ko." Sabi pa ni Zanjoe na kontrabida sa mata ng lahat ng fans nina Carlo at Vivian, dahil nga siya ang hindi makatanggap sa pagmamahalan ng dalawa.

Malapit na ang pagtatapos ng Lovers in Paris, exciting ang mga eksena sa natitirang araw nito, ang daming revelation. Nabangggit nga ni Direk FM sa amin na tinapos na nila ang eksenang mabigat at ma-drama nina Zanjoe at Piolo, just last week. "Sabi nga sa akin ni Direk FM, 'ito 'yung eksenang na mababawi mo uli ang loob ng tao kasi magagalit ang mga tao sa loob ng tatlong linggo. At ito lang ang eksenang gagawin mo para mabawi mo silang lahat, lahat ng galit sa 'yo, babaligtad.' Pag hindi ko raw 'yun nagawang tama, baka tuluyan nang magalit sa akin ang tao kaya talagang pinagbutihan ko na para maging maayos ang eksenang 'yun sa conflict naming magkapatid."

"Sa eksenang 'yun ipapaliwanang kung bakit dumating na sa point kung bakit ganoon ako kasama sa kanila hanggang sa dumating na rin 'yung point na papalayain ko na rin sila." Nanonood ba ang girlfriend niyang si Mariel Rodriguez ng Lovers in Paris? "Oo, lahat naman ng ginagawa ko, suportado niya, eh, proud na proud nga 'yun sa akin, eh," flattered pang sabi ni Zanjoe about Mariel. Almost two years na rin palang magka-relasyon sina Zanjoe at Mariel, ayon pa kay Zanjoe, everything remains smooth sa kanila ng TV host. Twenty-seven years old na si Zanjoe and Mariel is twenty-five. Tinanong namin ang aktor kung may balak na ba silang mag-settle down ni Mariel in the future? "Well, hindi pa namin pinag-uusapan kasi may mga plano pa ako, siya rin, marami pang gustong gawin. Pero darating din tayo riyan. Hindi naman kami nagmamadali." Can he see Mariel as his future bride? "Oo naman. Kung ako ang tatanungin, sana siya na talaga," tapos ni Zanjoe.