• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano on speculations that ex-girlfriend Angel Locsin will fall for John Lloyd Cruz: 'Mawe-we

Luis Manzano on speculations that ex-girlfriend Angel Locsin will fall for John Lloyd Cruz: 'Mawe-we

Luis reacts to theories that his ex-girlfriend will probably end up with her new leading man John Lloyd Cruz.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/28/2009 7:42 PM
Luis Manzano on speculations that ex-girlfriend Angel Locsin will fall for John Lloyd Cruz: 'Mawe-we


Nasa Las Vegas, USA si Luis Manzano nu'ng iproklama ang kanyang ama na si Edu Manzano bilang running mate ng Presidential candidate ng administration party na si Gilbert 'Gibo' Teodoro sa nalalapit na eleksyon next year. "Nagulat naman ako siyempre. When everything is happening I was in Las Vegas Hanggang sa umabot nga lang sa akin 'yung isyu na tumatakbo. Nu'ng una nga hindi pa ako naniwala. Pero'yun nga, I know what my Dad is capable of doing. I know how 'yung pagkatao niya. So, kung manalo nga si Daddy, e, I would love to have him as my Vice-President," umpisa ni Luis.

Bago ang proklamasyon, may nabanggit na ba sa kanya ang daddy niya tungkol sa pagtanggap niya ng alok ng administrasyon para tumakbong Vice-President sa 2010 election? "No, hindi namin napag-usapan 'yun. Siguro my Dad wants to put it that way. Siguro he wants to keep it with himself. Talagang sa kanya and tapos when he finally decided, he knows naman na aabot din sa amin 'yun in one point or another." Pabor ba siya sa naging desisyon ng daddy niya na pagtakabo as VP sa next election? "I know my dad's integrity as a person, I know his capability in helping other people and if he were given a position in government kaya niyang gawin. I have fate on my dad. Ah, whether VP, whether for Senator or whatever it is. My dad can do a lot for this country."

Itinanong na din namin kay Luis kung anong komento niya sa break-up ng kanyang daddy at ABS-CBN anchor na si Pinky Webb. "Ah, well, hindi ko pa kasi talaga naririnig 'yung isyu na 'yun. Well, matagal-tagal sila. Sana kung anuman ang naging problema maayos nila. I guess, as a couple they went through a lot na rin." May kumakalat na usap-usapan na ang dahilan ng break-up ay hindi raw kasi pabor si Pinky sa desisyon ni Edu na tumakbong VP? "You know, I want to hear it from them. I don't want to speculate kasi medyo it's a personal matter. So, I still have to hear talaga mula kay daddy or kay Pinky kung ano ang rason, so, hindi na muna ako magsasalita." Close ba sila ni Pinky noong sila pa ng daddy niya? "You know, sad to say I got to spend some time with her. Of course with the family din. But you know, we're cool kapag magkasama kami. We get to talk. I think she's a very, very nice woman."

Pabiro na din na nabanggit ng ABS-CBN.com na parehas na sila ngayon ng kanyang ama na broken hearted. "Coincidence, I guess. Ang difference lang hindi ako tatakbo as VP. 'Yun lang ang difference namin at this point," natatawang sabi ni Luis. Ayon sa interbyu ni Angel sa Entertainment Live, kapag nakipaghiwalay siya sa boyfriend hindi na niya binabalikan. "Yes, siguro naman you can see her track record naman which is true naman na wala pa nga siyang binabalikan sa mga naging ex niya." What about him? Wala ba siyang plano na balikan si Angel? "No, 'yung sa akin lang in general. Siguro nagkakataon on her side na wala nga siyang binabalikan. Pero in life, in general, huwag tayong nagsasalita ng tapos. Hindi ko siya pinariringgan or anything pero 'di ba? You'll never know. Nagkataon lang siguro on her side, e, wala nga siyang nabalikan." Nagkaayos na ba sila ni Angel? "We took siguro, we made the first step para maayos na namin 'yung kung anuman 'yung meron dati. So, kumbaga, medyo kung anuman 'yung naging isyu sa amin, medyo nabaon na namin. Ah, so, siguro 'yun ang pinaka-importante 'di ba, sa amin? Dahil ang tagal din naming hindi nakapag-usap. Ang tagal na naming hindi nakipagkita. Ah, siguro ngayon st