Ruffa Gutierrez claims that her Boracay trip was all work

In contrast with the rampant intrigues regarding her so called soul-searching moments, Ruffa Gutierrez says that her sudden trip to Boracay is in fact a call of duty.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/28/2009 2:05 AM
Ruffa Gutierrez claims that her Boracay trip was all work


Just a few days ago ay napansin ng SNN ang Twitter posts ng beauty queen and renowned talk show host na si Ruffa Gutierrez; at sa naturang mga post ay malinaw niyang sinasabi na siya’y nasa Boracay noong mga panahong iyon. Kaugnay ng biglaan niyang paglipad patungo sa naturang island paradise, kung saan napag-alamang nanatili siya for 3 days, ilang espekulasyon din naman ang nabuo na nagsasabing she was actually there for some private time of soul-searching.

Upang kumpirmahin naman ang tunay na dahilan, sinubukan kunan ng panayam si Ruffa kaugnay ng naturang isyu matapos ang pagho-host nito sa awarding ceremony ng 2009 Gusi Peace Prize Award. Matapos ipaalam sa kanya ng SNN ang nababalitang intriga, agad naman niya itong pinabulaanan kasabay ng pagbabahagi niya ng tunay na dahilan kaugnay ng pagpunta niya doon. Giit nga ni Ruffa, “Actually di ako nagbakasyon doon. It’s all work. Masaya naman ako dumadami ang trabaho.”

In line with her dismissal of the idea, binigyang linaw ni Ruffa na masaya siya sa kasalukuyang takbo ng buhay niya, so there is in facts no need to soul-search in any way. With great air of pride she says, “Wala naman na akong sine-search dahil nahanap ko na lahat ng kailangan ko hanapin... For the record, I am single. Wala akong boyfriend pero meron akong inspiration.”