• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion says she's looking forward to personally meeting Apl De Ap

KC Concepcion says she's looking forward to personally meeting Apl De Ap

KC Concepcion expresses her sincerest gratitude towards the Fil-Am Black Eyed Peas member.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/27/2009 11:16 AM
KC Concepcion says she's looking forward to personally meeting Apl De Ap


Nito lamang, nabalitaan ng SNN ang maluwag na pagpapahayag ni Fil-Am international singing sensation Apl De Ap—miyembro ng grupong Black Eyed Peas—ng kanyang lubos na paghanga sa panganay na anak ng Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion; kaya naman kagabi, bago tuluyang lumipad si KC patungong Amerika’y malugod itong ipinaalam ng SNN sa dalaga. Pagkarinig pa lamang ng naturang balita, masasalamin ang lubos na pagkagulat sa mukha ni KC. Aniya’y it is a great honor for her para mapansin ng hinahangaan niyang internationally acclaimed hip-hop artist, na sinasabing darating din sa bansa ngayong linggo. Reaksyon nga niya kaugnay nito, “Wow! Well, siyempre thank you, sobrang thank you. Sana ma-meet ko siya. I never met him before... Sayang paalis ako.”

On the other hand, sa naturang panayam, hindi rin naman nakaligtas si KC sa mga maiiinit na tanong ng SNN kaugnay ng real score sa pagitan nila ng leading man nito sa remake ng Koreanovelang Lovers in Paris na si Piolo Pascual. Nang usisain kung tunay nga bang nanliligaw ito sa kanya, ang tanging nasabi lamang niya upang maiwasan ang diretsong pagsagot nito’y “Piolo is a very good guy... Sobrang gusto siya ng pamilya ko... Very sincere, alam ko quietly inaalagaan niya ako.”

At kaugnay naman ng maaaring asahang pasalubong niya sa binata sa napipintong pagbabalik niya ng bansa matapos ang US concert nilang mag-ina, isang biro na lamang ang kanyang naging tugon. “Basta isasabay ko na lang sa Christmas gift, at birthday gift na rin.”