• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon hopes people would stop saying negative things about him

Ejay Falcon hopes people would stop saying negative things about him

Ejay is bewildered why people keep on saying he has problems with his Katorse co-stars.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/27/2009 8:35 AM
Ejay Falcon hopes people would stop saying negative things about him


Present ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner na si Ejay Falcon sa November birthday press con ng Star Magic para sa mga talent nila na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan. Regular na napapanood ngayon si Ejay sa teleserye nila ni Erich Gonzales na Katorse sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Dahil sa success ng Katorse, may kasunod na raw agad na proyekto si Ejay sa ABS-CBN. Kasama si Ejay sa bagong show na Tanging Yaman na magsisimulang ipalabas sa 2010. Pero sa kabila raw ng matagumpay na tambalan nila sa Katorse, may balita na masama ang loob ni Erich  kay Ejay. “Huh? Talaga may ganyan? Bakit?” sunud-sunod na tanong ni Ejay. “Hindi, hindi siguro ‘yung mga fans lang ang nag-aaway. Pero sa amin, hindi naman. Kasi may mga fans na parang, ‘Ay, bakit may ganyan,’ ganyan. Hindi mo naman sila masisisi.  Pero hanggang doon lang. pero sa amin naman ni Erich wala namang away.”

Sinabi rin ni Ejay baka nadadala lamang sa mga eksena nila sa show ang kanilang mga taga-hanga. Magkaibigan naman daw silang lahat, si Erich, pati na rin si Enchong Dee na isa pa sa kanilang mga kasamahan sa show. “Okay naman po kami (ni Enchong). Friends din kami ni Erich.” Paano niya nasabi na friends sila ni Erich? “Kasi ‘di ba kapag may problema nagshi-share. Tungkol halimbawa sa family ko. Kasi siyempre ‘yung problema ko sa bahay nadadala ko sa set, Kapag may problema sa bahay parang nahihirapan ako na mag-taping. Dati ‘yun. Tapos nag-a-advise siya. Sabi niya,  ‘Hindi, huwag ganyan. Kumbaga, kapag nasa bahay ka, si Ejay ka. Kapag nandito ka na, si Gabby ka na,’ ganyan. Ayun, mga ganyan.” Di kaya sila naiintriga na magkagalit ay nagseselos siya kay Enchong na kapartner din ni Erich sa Katose at naging sobrang malapit sila sa isa’t isa? “E, kung nagseselos ako bakit siya (Erich) ang aawayin ko?  Hindi, hindi kami nag-aaway ni Enchong. Wala’ng ganu’n.” Baka naman kay Xian Lim siya may issue na kasama rin nila sa “Katorse” at very open sa panliligaw kay Erich? “Grabe naman. O, sabihin natin na nanliligaw pero hindi pa rin ako, bakit naman ako magseselos kung nanliligaw pa lang ‘di ba?

Isa pang intriga na ibinabato sa kanya ay may sinasabi raw siya na hindi magiging successful ang Katorse kung hindi dahil sa kanya. Totoo ba? “Oy, foul na ‘yan. Hindi totoo ‘yan. Sobrang hindi po totoo ‘yan.  Bakit naman, ako? Sino ba naman ako?  Ito nga lang ang kauna-unahang project  ko sa ABS, tapos ganu’n? Wala, walang ganyan. Wala po talagang ganyan. Siguro may mga nag-iisip pero sa akin wala. ‘Katorse’ ano, kay Erich talaga ‘yun. Wala, wala po’ng ganu’n.”   Sinabi rin daw ni Ejay na hindi sisikat si Erich kundi dahil sa kanya? “Ow? Haha! Grabe naman. Baka baligtad, kung hindi dahil kay Erich hindi ako sisikat.” Parehas naman daw silang winner ni Erich sa TV contest kaya di dapat gawing issue ang pagiging Big Winner niya sa PBB. Pero sinasabi raw kasi ni Ejay na mas marami siyang fans. “Uy, wala po’ng ganyan, wala. Walang ganyan. Kahit naman, tahimik lang talaga ako pero hindi  ako ganu’ng tao. Swerte ko nga ‘di ba kasi, grabe naman. Hindi ko siya inaaway. Hindi, hindi ko po siya inaaway. At wala po ako’ng sinasabi na ganu’n sa kanya na Big Winner ako. Hindi po ako ganu’ng tao.”

Sa tingin niya bakit maraming negative write-ups sa kanya? “Ano ba ‘yan? Ewan ko po sa  kanila kung bakit puro nega na lang. Magmula paglabas ko sa TV puro nega na lang.” Alam naman daw niya sa sarili niya na hindi siya negative na tao. “Oo naman  Kilala ko ang sairli ko, ‘yun ang important te. Kilala ko kung ano ang pagkatao ko. Siguro