• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid on Regine Velasquez singing at his ex-wife's wedding: "Family naman kami"

Ogie Alcasid on Regine Velasquez singing at his ex-wife's wedding: "Family naman kami"

Ogie Alcasid says Michelle Van Eimeren will always remain a very good friend to him and Regine Velasquez.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/26/2009 8:58 AM
Ogie Alcasid on Regine Velasquez singing at his ex-wife's wedding:


Nakatakdang bumalik ng bansa mula sa Australia si Ogie Alcasid kasama ang girlfriend niyang si Regine Velasquez this weekend. Umattend sina Ogie at Regine ng kasal ng ex-wife niya na si Michelle Van Eimeren sa Australian boyfriend nito na si Mark Murrow.

Mismong si Michelle naman daw ang nag-request na kumanta si Regine sa wedding nila ni Mark. Kinanta ni Regine sa wedding ang awiting 'And I Love You So.' Sa kabila nito, marami pa rin ang 'di matanggap ang pagpayag ni Regine na kumanta sa wedding ng ex-wife ng boyfriend niyang si Ogie. "E, family naman kami," nakangiting pahayag ni Ogie sa presscon ng 'Pilipino Kaya Natin 'To' concert na magaganap sa Mall of Asia concert grounds on December 5. Hindi ba nakaramdam si Ogie ng kahit na ano'ng lungkot na nag-asawa na ulit si Michelle tanda na naka-moved on na talaga ang kanyang ex-wife? "Of course not. I'm happy that someone very special, a really great human being, I'm happy for her."

Hindi raw nila napag-usapan ni Michelle na kakanta si Ogie sa wedding niya. Pero siya raw ang nag-host sa reception. "Si Regine lang talaga, Tsaka mas magaling sa akin 'yun." Tumatawag daw si Michelle sa kanila ni Regine lalo na nu'ng preparation ng wedding niya. Humingi raw ng tulong si Michelle para sa wedding niya. "Well, sa music, 'di ba? Sa pag-organzie ng music. 'Yung mga, hindi niya kasi maintindihan 'yung mga pyesa-pyesa.string section Regine also helped."

Ayaw sabihin ni Ogie kung ano ang regalo niya sa wedding ni Michelle. Pero bago sila dumating ng Austrlia last week, nandu'n na raw 'yung wedding gift niya for the newlyweds. Inamin din ni Ogie na nakatira pa rin si Michelle at dalawa nilang anak sa bahay na ipinatayo ng singer/songwriter sa Australia . Tatlong bahay na magkakahiwalay ang ipinatayo ni Ogie para sa pamilya niya sa Australia . Isa sa mga bahay na 'yun ang tinutuluyan nina Ogie at Regine everytime pumupunta sila ng Australia . Pero ngayong may bago ng asawa si Michelle, doon pa rin kaya siya titira o nagpatayo na sila ng bagong bahay ni Mark? "Ah, nasa sa kanila na 'yon."

Dito sa Pilipinas magpa-Pasko sina Ogie at Regine. Wala ba siyang plano na iiuwi na ng Pilipinas ang mga anak nila ni Michelle na sina Leila at Sarah? "Nasa sa amin na 'yon. Basta meron na kaming usapan. Ah, but I have no kumbaga, kami ni Michelle we already sorted this out already long time ago."

Bilang ex-husband ng ikakasal na bride, wala ba siyang nararamdama na kakaiba sa pag-attend niya nu'ng wedding?" No, I'm very excited for them." Paano naman ang usapan nila ni Michelle tungkol sa ilang personal matters sa kanilang dalawa? 'Michelle will always remain to be my very good friend. Nag-uusap din kami ng mga baga-bagay na 'yan. And one thing I know is that she's met this person who respects her. I never heard her to be this happy. So, I'm happy for her."

Pagdating ni Ogie ng Pinas, tutukan naman niya ang proyekto niya na 'Pilipino, Kaya Natin 'To' na isang fund-raising concert para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng in cooperation with Gawad Kalinga. "Hindi mabubuo ang proyekto na 'yan kundi sa tulong ng maraming tao. Like 'yung core group namin, si Ga (Director Dante Nico Garcia) na nag-edit at nag-shoot ng music video. Kay Jay-R for offering his studio. Kay Regine for producing the songs. (And) of course, all the artist who came. We were there for seven days. Everyday kami sa studio. Dumating lang sila ng dumating. So, hayan na."

May 84 na artists daw ang nag-participate para mabuo ang CD at mas marami pa raw performers ang darating sa mismong concert o