• Home
  • Fresh Scoops
  • Jinkee Pacquiao says nothing had changed between her and her husband

Jinkee Pacquiao says nothing had changed between her and her husband

Despite the never-ending intrigues, Jinkee Pacquiao exclaims that her strong marital relationship with Pambansang Kamao Manny Pacquiao remains unmoved.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/26/2009 10:09 AM
Jinkee Pacquiao says nothing had changed between her and her husband


Sa pagbabalik Maynila ng renowned pound per pound boxer na si Manny Pacquiao, at ng may bahay nitong si Jinkee Pacquiao, mula sa bakasyon nila sa General Santos ay agad na namang silang sinalubong ng maiinit na intriga. Kaninang tanghali, sa airport pa lamang ay inabangan na sila ng SNN upang makibalita kaugnay ng kasalukuyang estado ng relasyon nilang mag-asawa, sa kabila ng di matinag na mga intrigang nag-uugnay kay Pac-man at sa sexy-actress na si Krista Ranillo.

Nang batuhin si Jinkee ng paumpisang tanong kung apektado siya sa nabanggit na tsismis ay isang ngiti sa kabila ng mahabang katahimikan lamang ang naiganti niya. Gawa na rin ng napansing pananahimik, agad itong sinalo ni Manny ng mabilis na sagot, “Bakit, totoo ba? Wala, sa mga tao lang gusto nila may isyu.”

Sa naturang tagpo, tunay na naging agaw atensyon ang sweetness nilang mag-asawa. Makikitang simula paglabas nila ng airport hanggang sa kahabaan ng maikling panayam sa kanila’y hindi natinag ang pagho-holding hands ng mga ito; kaya naman hindi na rin naiwasan ng SNN na mag-usisa kaugnay nito. “Lagi naman kaming sweet a! Anong problema? Kayo ang may problema, hindi kami” pabirong sagot naman ni Pac-man patungkol dito.

Sunud-sunod man ang kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang asawa, na siyang palaging sumusubok sa kanilang pagsasama, nanatiling matatag si Jinkee. Para raw kasi sa kanya, wala naman kailangang magbago sa kabila ng iba’t ibang intrigang kinakaharap ng buo nilang pamilya. Pagbibigay diin nga niya dito, “‘Yung pagmamahal ko naman [kay Manny] di na magbabago ‘yon e. Walang pagbabago. Di ko kailangang maapektuhan. Isipin ko na lang ang mga anak ko, okay na ‘yon.