• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin says she is happy that Anne Curtis and ex-boyfriend Sam Milby are on good terms

Angel Locsin says she is happy that Anne Curtis and ex-boyfriend Sam Milby are on good terms

Angel Locsin reveals she and Anne Curtis talked about her past relationship with Sam Milby.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/25/2009 11:45 AM
Angel Locsin says she is happy that Anne Curtis and ex-boyfriend Sam Milby are on good terms


Ikinuwento ni Angel Locsin na sa pagiging close nila ni Anne Curtis dahil sa proyektong Shop and Share ay napag-uusapan nila ang mga personal na aspeto sa buhay, kabilang na rin ang usaping may kinalaman sa puso. “Pero hindi naman kami ‘yung tipo ng mga babae na pati ‘yung mga bagay dapat hindi i-share kinukuwento mo pa di ba? ‘Yung sakto lang,” paglilinaw ni Angel.

Sinabi rin ni Angel na okay siya na nakikitang maayos na ngayon si Anne at dating boyfriend na si Sam Milby, na dati ring leading man ni Angel. Pero nilinaw ni Angel na hindi na nila pinag-uusapan ni Anne ang mga isyung ito dahil walang dahilan upang magkaroon pa ng isyu tungkol dito. “Si Sam mahal ko bilang isang nakababatang kapatid. And I’m happy na nakikita ko sila na okay okay na,” paliwanag ni Angel. Gumagawa ngayon ng pelikula si Anne at si Sam para sa susunod na taon.

Speaking of Sam, nilinaw muli ni Angel ang pagtanggi niya sa regalong cell phone sa kanya ng Fil-Am actor nang magkatambal pa sila sa teleseryeng Only You. Aniya, hindi ito dapat bigyan ng malisya dahil mapagbigay daw umano talaga ang aktor. “Si Sam kasi mahilig lang magbigay. Kahit sa mga crew minsan darating ‘yan may kape o pagkain walang chorva. Ganun lang talaga ‘yon.”

Muli ring nilinaw ni Angel na tinanggihan niya ang cellphone na regalo ni Sam noon dahil late na naibigay ang nasabing gift at “’Yung telepono ko kasi (during that time) bigay ni Luis (Manzano, dating boyfriend), parang weird naman na kung papalitan ko ‘yon dahil binigyan ako ni Sam,” kuwento ni Angel.

Coincidentally, si Luis na dating boyfriend ni Angel ay very close friend ni Anne at ang dating boyfriend ni Anne na si Sam ay very close din kay Angel.