• Home
  • Fresh Scoops
  • Three new pictures of Manny Pacquiao and Krista Ranillo emerge

Three new pictures of Manny Pacquiao and Krista Ranillo emerge

The same source of Manny Pacquiao and Krista Ranillo's controversial Baguio pictures sends three new follow-up photos to ABS-CBN.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/24/2009 9:16 AM
Three new pictures of Manny Pacquiao and Krista Ranillo emerge


Noong nakaraang linggo, naging lundayan ng umaatikabong intriga ang mga nagkalat na larawan sa internet ng Pambansang Kamaong si Manny Pacquiao kasama ang sexy-actress na si Krista Ranillo. Kinuha di umano ang naturang mga larawan noong mga panahong nagtre-train si Manny sa Baguio para sa laban nila ni Miguel Cotto; at sinasabing ang mga larawan ding ito ang maaaring magpatunay ng nababalitang romantikong relasyon ng dalawa, sa kabila ng tambalan nila para sa paparating nilang pelikulang Wapakman.

Hindi pa man natatapos ang bulung-bulungan kaugnay ng naturang kontrobersyal na mga larawan, kanina'y tatlong panibagong mga larawan na naman di umano ang ipinadala ng kaparehong source sa ABS-CBN. Taliwas sa mga naunang kuha, kung saan mapapansing magkahiwalay ang iniintrigang pares, sa nahuling mga litrato'y huling-huli sa camera na magkatabi ang dalawa at kasama pa nila ang ama ng dalaga na si Matt Ranillo III.

Sinasabi di umano ng source na kinuha ang lahat ng mga litratong ito sa loob lamang ng iisang araw. Patunay pa di umano nito'y ang pare-parehong mga damit, at pare-parehong mga karakter na makikita kung pagtatabi-tabihin ang lahat ng mga larawan. Malinaw ang mga ebidensyang inihahapag ng source, ngunit hanggang ngayo'y malabo pa rin ang tunay na kwento sa likod ng mga kuhang ito na nababalot ng iba't ibang haka.

Sa kabila naman ng kawalan ng direksyon ng naturang isyu, isa na namang anggulo ang siyang binigyang tinig ng tanyag na columnist na si Ricky Lo sa isa sa kanyang mga artikulo. Ani niya sa kanyang lathala nito lamang November 20, 2009 entitled Does Krista really drive Pacman crazy?, mayroong mga hakang nagsasabing nagbabalak muling tumakbo sa 2010 election ang ama ng aktres na si Matt, at maaari di umanong iugnay ang isyung ito sa pangangailangan nito ng matinding suporta mula kay Pacman.