• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion says her closeness with Piolo Pascual will continue even after Lovers in Paris

KC Concepcion says her closeness with Piolo Pascual will continue even after Lovers in Paris

KC stresses that her teleserye with Piolo is nearing its finale but it doesn't mean the end of their friendship too.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/24/2009 8:45 AM
KC Concepcion says her closeness with Piolo Pascual will continue even after Lovers in Paris


Excited na ang lahat sa nalalapit na pagtatapos ng kinakikiligang teleserye sa Primetime, ang Lovers in Paris (December 11 ang final episode). Nakausap ng ABS-CBN.Com si KC Concepcion, who was present at the show’s thanksgiving party and really enjoying her time with her co-stars Kaye Brosas, Rachel Anne Wolfe, Zanjoe Marudo, Mark Gil and the rest of the cast. Naki –join sa table namin si KC, na gumaganap bilang si Vivian sa Pinoy version ng Koreanovelang ito, at doon ay game na sumagot ang aktres sa mga tanong na walang arte. It’s amazing when you see KC na walang ere, sa kabila ng mga nakakabit na titulo sa kanyang pangalan. She doesn’t seem to be bothered by all these.

Ayon pa kay KC, isang malaking break at pasasalamat ang maging bahagi siya ng Lovers in Paris, dahil in a way, napatunayan niyang kaya niyang umarte, and she was able to have her own identity as well. All this time, nakilala si KC bilang isang showbiz royalty, isang prinsesa sa kaharian ng mga magulang niyang itinututring dalawa sa malalaking artista sa industriya, sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Para naman kay KC, mas gusto raw niyang matutunan kung ano ang meron sa loob ng industriyang kinalakhan niya, kung kaya’t gusto niya maging isang artista. “Kung sasabihin na rin lang na showbiz royalty ako, gusto ko maintindihan kung ano ang kaharian. Kung prinsesa ako, kayo rin naman ang nag-label sa akin ng showbiz royalty, eh, ‘di aalamin ko kung ano ang kaharian namin. Ganoon ‘yung hangad ko. Ngayon, masasabi ko na, napagdaanan ko ‘yan, hindi lang kayo.”

KC grew up having a sheltered life, lumaki siya sa harap ng lahat at tila isa siyang mamahaling isda sa loob ng isang fish bowl na pinagmamasdan ng lahat ng taong dumaraan. Aminado ang aktres, nagkaroon lang siyang konting laya nu’ng pumasok siya sa kolehiyo sa Paris. Doon ay natutunan niyang mamuhay na mag-isa. Contrary sa iniisip ng karamihan, hindi snob ang anak ni Mega. She grew up grounded, isa sa katangiang gusto ng marami sa kanya. “Kasi po, habang lumalaki ako, naalala ko pinagsasabihan ako palagi, nina Mama, Mamita (Mommy Elaine Cuneta). Lalo na si Mama, single parent siya while I was growing up, so it was hard for her. Nakikinig talga ako sa mga sinasabi niya. Lagi siyang naga-advise, eh, I would listen kasi alam kong kami rin lang dalawa at that time.”

Dahil sa exposure ni KC sa Lovers in Paris, nagbago rin ang impresyon ng tao kay KC, mula nu’ng gumanap siya bilang karakter ni Vivan. Ito ay minahal ng tao, jologs na rin ang dating ni KC sa kanila. Dahil dito, binansagang Primetime Teleserye Princess si KC. Anong say niya? “Nagpapasalamat ako na ‘yun ang tawag sa akin but I’d love to be able to do work sa lahat. Sa film, sa TV, siguro pati na rin sa theater dahil doon ako nagsimula. Ay, oo nga, kilala na ako ng mga tao bilang Vivian, tinatawag akong Vivian, kahit ‘yung mga outreach programs namin. Natutuwa naman ako kasi, kahit ‘yung mga lola, at mga bata, hindi sila nahihiyang makipag-kuwentuhan sa akin.”

Hindi naman nakarating ang leading man ni KC na si Piolo Pascual nu’ng gabi ng party, biniro nga namin si KC kung inaalagaan ba niya ng husto si Piolo? Napangiti lang ang aktres. Nalaman din namin na lahat pala ng kamag-anak ni KC, boto kay Piolo. “It goes to show na talagang mabuting tao si Piolo,” sagot lang nito. Kahit patapos na ang Lovers in Paris, sinigurado ni KC na hindi rito magtatapos ang ugnayan nila ni Piolo. “It doesn’t mean na porke’t magtatapos na ang show namin, magtatapos na rin ang samahan namin. No, it’s not like that,” sabi pa ni KC sa ABS-CBN.com. Tinanong namin siya kung may relasyon sila ni Piolo pero isang matamis na ngiti lang ang binigay ni KC at iniba n