• Home
  • Fresh Scoops
  • Matt Ranillo III says the rumored romance between his daughter Krista and Manny Pacquiao is a "lie"

Matt Ranillo III says the rumored romance between his daughter Krista and Manny Pacquiao is a "lie"

Matt Ranillo III explains that the issue linking his daughter to the boxing champ is entirely fabricated.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/23/2009 1:28 AM
Matt Ranillo III says the rumored romance between his daughter Krista and Manny Pacquiao is a


Sa kabila ng pananahimik ni Krista Ranillo sa pagkakasangkot niya kay boxing champ Manny Pacquiao, ay nagpadala ng statement ang ama nitong si Matt Ranillo III sa The Buzz host na si Boy Abunda. Sa nilalaman ng text message ay mariing itinanggi ng veteran aktor na may relasyon nga ang anak nito kay Manny. Ang nilalaman ng nasabing text message ay ang mga sumusunod: "Dear Kuya Boy, our sincere thanks for your love and being impartial about Krista's issue sa The Buzz. We've been accused and abused but we've forgiven those who (have) wronged us even though they know the truth and still fabricate lies. The family is deeply hurt with this insanity. People are amused with the negativism than national honor, cultivate hate than love. Thanks, peace and good health to you."

Sa pakikipag-ugnayan din ng The Buzz sa manager ni Krista na si Arnold Vegafria ay sinabi ng manager na hindi umano niya makontak ang kanyang alaga. Nauna nang sinabi ni Arnold sa kanyang interview sa isang dyaryo na sa pagkakasangkot ni Krista sa gulo ay nagkaroon umano ng anxiety attack ang aktres.

Samantala, sa pagdating naman ni Manny sa Pilipinas noong Biyernes, Nobyembre 20, matapos ang kanyang laban kay Miguel Cotto, sweet na sweet naman ang pakikitungo nina Manny at Jinkee sa isa't isa, malayo sa nakuhaang video na ayaw pahawak ni Jinkee kay Manny nang maiyak ito sa ginanap na thanksgiving mass sa Las Vegas.

Sa kanya namang opinyon, sinabi ni Boy na higit pa kay Krista at Jinkee, si Manny umano dapat ang bumasag ng katahimikan. "I don't think Jinkee should come out to explain, neither should Krista come out to explain. I think kung meron man boses na dapat marinig tungkol sa usaping ito, that should be Manny Pacquaio," ani Boy sa The Buzz kapahon na sinang-ayunan naman ni Kris.