• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino reveals Jinkee Pacquiao wants to solve marital problems with husband Manny

Kris Aquino reveals Jinkee Pacquiao wants to solve marital problems with husband Manny

Kris Aquino says Jinkee Pacquiao is exerting effort to iron out the issues she and husband Manny Pacquiao are facing.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/23/2009 1:35 AM
Kris Aquino reveals Jinkee Pacquiao wants to solve marital problems with husband Manny


Gaya noong nakalipas na Linggo, sinabi ng The Buzz host na si Kris Aquino na patuloy ang kanyang pakikipag-communicate kay Jinkee Pacquiao sa gitna ng isyung kinasasangkutan niya, ang asawang si Manny Pacquiao at ang sexy star na si Krista Ranillo. Ani Kris, marami silang napag-uusapan ni Jinkee via text pero nangako umano siyang hindi niya ibubulgar ang ilang sensitibong napag-usapan. Hiningan umano ni Kris ng isang mensahe si Jinkee na maaari niyang sabihin sa madla subalit hindi sumagot si Jinkee. Pero sa kanilang palitan ng text message, isa lang umano ang malinaw kay Kris. "One thing is very clear, gustong ayusin ni Jinkee. Kung anuman ang gulo, kung ano ang intri-intriga, pamilya ni Jinkee, pamilya ni Manny, si Manny at si Jinkee gustong maayos ito," kuwento ni Kris sa The Buzz kahapon.

Ibinahagi rin ni Kris ang text message sa kanya ni Jinkee hinggil sa pagsasabay umano nila ni Krista sa Chanel shop sa US. Kabaliktran ng mga nasusulat na nagkainitan umano sina Jinkee at Krista, sinabi umano ni Jinkee kay Kris na tiningnan lamang niya si Krista dahil unang pagkakataon niyang nakita ang sexy actress sa personal pero hindi sila nag-usap. "Mayroon daw sa paligid ni Jinkee na nagsalita and then Jinkee told them, "Huwag, hindi dito ang tamang lugar for this,"" sabi ni Kris. "So in all fairness, mayroon talagang proper decorum and breeding si Jinkee."

Nagbahagi rin ng kanyang opinyon si Kris kung bakit sa ginta ng isyung pagli-link kay Manny at Krista ay marami ang nakikisimpatya kay Jinkee. "The reason a lot of us really sympathize with her (Jinkee) is because she was there with Manny nung hindi pa Manny si Manny. Malaking bagay 'yun. Minahal niya si Manny nung wala pa 'yung billions, nung wala pa 'yung seven world titles. She was there with him and that counts for something."

Samantala, pinaalalahanan naman ni Boy ang mga tao na huwag manghusga agad sa mga pangyayari lalo pa't hindi pa nagsasalita ang mga kampo. Dagdag pa niya, sa mga larawang kumakalat na nakikita umano sina Manny at Krista ay mga pampublikong lugar at wala namang ginagawang masama. "Bakit natin ipinapako sa krus ang isang babae, it's so easy to accuse. Conventional wisdom says, "Ay siguro sila na nga kasi siguro ganyan." Who are we to judge, what do we know again and what don't we know?" sabi ni Boy. "Ang dali-dali gumawa ng conclusions. We need to hear voices, we need to know the truth."