• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jolo Revilla reveals that he was given custody of his son Budoy

EXCLUSIVE: Jolo Revilla reveals that he was given custody of his son Budoy

For the first time, Jolo Revilla talks about his legal agreement with Rosanna Roces' daughter about their son's care.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/23/2009 1:10 AM
EXCLUSIVE: Jolo Revilla reveals that he was given custody of his son Budoy


Matapos magbitiw si Rosanna Roces ng maanghang na salita laban sa pamilya ni Jolo Revilla, hindi na napigilan ng batang aktor na sagutin ang mga isyung may kinalaman sa kanyang anak na si Budoy (Jose Gabriel or Gab). Isa na dito ang banta ni Rosanna na magsagawa ng hate campaign laban sa kanyang ina na si Lani Mercado--na tatakbo bilang Congresswoman ng Cavite sa 2010 election kung hindi pa rin mabalik sa kanyang poder si Budoy by Christmas time. "Nabasa ko nga yung sinabi niyang yun. Pero para sa kaalaman ng lahat, sige sasabihin ko na once and for all, may custody agreement na kami ni Grace, pinirmahan niya yun at pinirmahan ko din na sa akin na muna mag-stay yung anak ko," pag-amin ni Jolo sa isang eklusibong panayam ng ABS-CBN.com noong Biyernes, November 20. Taliwas ito sa sinasabi ni Rosanna na walang abisong kinuha ni Jolo si Budoy sa kanya ilang buwan na ang nakakaraan.

Hangga't maari ay ayaw sanang banggitin ni Jolo na nabigyan siya ng legal custody ukol dito dahil kahit anong mangyari ay kadugo pa rin ng anak niya si Rosanna. "Oo pero ayoko naman daanin sa legalities ito kasi siyempre pamilya lahat 'yan e. Para sa akin kung ano man yung nakaraan kalimutan na natin yun. Dapat hindi kami nagkakagulo. Dapat maayos kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit siya [nagkakaganyan] kasi anytime naman pwede niyang hiramin yung bata. Inaantay ko nga lang yung text niya (Rosanna) pero hindi naman siya nagtetext," giit ni Jolo.

Paliwanag pa mg young actor, pareho daw sila ng hangarin ng anak ni Rosanna na si Grace Adriano na maayos ang maging buhay ni Budoy. Kaya't nagugulat siya sa mga akusasyon ni Rosanna na kesyo inilalayo daw ni Jolo ang bata sa kanya. "Kami ni Grace yung nag-uusap so sana hayaan niya kami bilang mga magulang na magdesisyon (kung anong makakabuti para kay Budoy) dahil kami yung may karapatan.Sana maintindihan niya na kagustuhan naming dalawa ni Grace (na magkaroon ng custody agreement). Hindi ko siya pinilit. Hindi ko lang desisyon yun. Basta sa ngayon, may papel akong hawak."

Walang permanent date kung hanggang kailan mananatili sa kanyang poder si Budoy. Pero kung sakaling magbago ang isip ni Grace in the future at hingin niya muli ang bata sa kanya ay open naman siyang pag-usapan muli ang tungkol sa kanilang custody agreement. "Kung anong desisyon ni Grace yun na yun. Kumbaga hindi ko sinasabi na hanggang dito na lang yun 'di ba? Kasi ang legal custody is not permanent," dagdag pa niya.

Kung mayroon naman pala silang malinaw na kasunduan ni Grace ay bakit hindi na lang nito iparating iyon kay Rosanna? "Actually alam mo sila... Ayoko na magsalita. Basta, hanggang dun na lang yun," bitin niyang pahayag. "Sana kausapin na lang niya (Rosanna) si Grace tungkol dito para malinawan din siya. Kasi sobra na yung lumalabas na balita e, sobra na yung mga nababasa ko." Malaki pa rin ang respeto ni Jolo kay Rosanna dahil sa kabila ng kanilang alitan ay gusto niyang magkasundo din sila sa lalong madaling panahon."Matagal na itong ganito e, ilang taon na ito. Magkakaayos-magkakagulo. Teka lang, parang tama na, ito na naman tayo. So sana maayos na siya talaga," pagtatapos ni Jolo.