• Home
  • Fresh Scoops
  • Rosanna Roces admits her heartache made her deliver an award-winning performance in 'Wanted: Border'

Rosanna Roces admits her heartache made her deliver an award-winning performance in 'Wanted: Border'

Controversial star Rosanna Roces talks about the hardships she's had with daughter Grace and about missing her grandson Gab.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/20/2009 8:24 AM
Rosanna Roces admits her heartache made her deliver an award-winning performance in 'Wanted: Border'


Haping-happy si Rosanna Roces nung tanggapin niya ang kanyang Best Actress award sa nakaraang Cinema One Originals awards night para sa performance niya sa Wanted: Border. Ang Wanted: Border din ang nanalo bilang Best Picture sa Cinema One Originals independent film festival.

Very thankful si Osang dahil hindi siya nagkamali sa desisyong tanggapin ang role sa Wanted: Border sa kabila ng mga personal na pinagdadaanan niya. “Matagal ko nang ibinaon sa limot itong poot na ito. Itong Wanted: Border—na mali ang spelling ng border—kinunvert ko para mapakinabangan ko sa maganda. Kesa magalit ka, umiyak ka, e ginawa ko ito. Gawin mong kapaki-pakinabang ‘yung poot mo ‘di ba? So, reding-redi na ako, puro angst ako, sabay sabi ng direktor, ‘Gusto ko bad acting.’ ‘Paano ito?’ ‘Yun ang challenge doon.

Hanggang ngayon ay iniinda pa rin ni Osang ang pagkawala sa piling niya ang panganay niyang apo na si Gab sa anak niyang si Grace. Ilang buwan na rin na hindi nakikita ni Osang si Gab—o si Budoy na tawag niya sa apo—dahil kinuha na ng kanyang ama na si Jolo Revilla with the consent ng anak niyang si Grace.

Naitanong tuloy ng ABS-CBN.com kung sumama ang loob niya kay Grace dahil dito. “Alam mo, dapat inintindihin na lang natin ang mga bata ngayon na iba na ang generation ngayon. Ang mga bata ngayon ayaw nang pasakop sa magulang. Gusto nila sila na ‘yung nagde-decide. Ako naman ni minsan hindi ko sila ano, e, kita mo nga kahit mali na sila, tama pa rin sila para sa akin ‘di ba? Sabi ko nga the love that you hold will be the pain that you will carry in your lifetime. At sana huwag gawin ng anak niya.

Pero ang tingin niya better future ‘yung kapag nandu’n. Hindi, e. It’s not about the money. It’s about love, it’s about values, it’s about family, it’s about us being one, you know, [being] together. ‘Di ba may kasabihan nga na mahirap lang, magkakasama lang. Or ‘di baleng may sakit basta magkakasama tayo,’ ‘di ba? Huwag lang layu-layo. And, hindi ko maaalis sa akin kasi from maliit ako, pinamigay ako. ‘Yung tatay kong umampon sa akin, iniwan ako. ‘Yung asawa ko, iniwan ako. So, meron akong, kapag iniiwan ako talagang ‘yung, may pinanggagalingan ‘di ba?

E, siya palibhasa kahit kailan hindi ko siya (Grace) iniwan. At saka sana ma-realize niya ‘yung like, sa Bible kasi, ang ‘honor your mother and father.’ ‘Yun ang may kasamang promise. Na ‘yan, e, kapag hindi mo sinunod, e, wala na ako’ng sasabihin. E, ‘yung hindi na ako nagsasalita, mahihirapan ka. ‘Yun ang ayokong mangyari dahil may anak ka.

Sa ngayon kung ayaw mo sa akin or kung gusto mong magsarili, go. I have a life too. First time, tinext ako ng utol ko, ‘Bago ka magmahal ng iba, kaawaan mo muna ang sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo dahil Siya lang talaga ang tunay mo’ng kaibigan. At wala nang iba pa.’

Napakaganda. Kahit sa tatay (dating pastor ang amang kinalikahan ni Osang) ko hindi ko narinig ‘yun and yet, nu’ng na-realize ko, siguro pinabayaan ko na sila kay God. Na talaga namang darating sa buhay na iiwan ka nila, e. At hindi lang ‘yun, lalaki pa ‘yan. So, ihanda mo na ang sarili mo.

Ano naman ang masasabi niya sa balitang nag-break na sina Jolo at girlfriend niya na si Lovi Poe?”Wala ako’ng pakialam,” madiing sabi ni Osang. At sa balitang binabalikan diumano ni Jolo si Grace, sagot ni Osang, “E, ayaw ninyong maniniwala naman sa akin, e. Kapag ako ang nagsalita, kokontrahin. Sasabihin sinungaling ako. Kung ibabalik sa akin yan, ilusyon ko ‘yun, nagda-drugs ako, ganyan. Hindi ninyo b