• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid and Regine Velasquez in Australia to attend Michelle Van Eimeren's wedding.

Ogie Alcasid and Regine Velasquez in Australia to attend Michelle Van Eimeren's wedding.

Some may find it weird but Ogie will be a groomsman and Regine will be one of the singers in Ogie's ex-wife's wedding.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/20/2009 1:03 PM
Ogie Alcasid and Regine Velasquez in Australia to attend Michelle Van Eimeren's wedding.


Kasalukuyang nasa Sydney, Australia na ang magkasintahang Regine Velasquez at Ogie Alcasid para dumalo sa kasal ng dating beauty queen at ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren. Aminado ang dalawa na sadyang excited na sila dahil sa darating na weekend na di umano ang kasal ni Michelle sa Australian boyfriend nitong si Mark Murrow. Maliban sa detalyeng kasama si Ogie sa entourage, at kakanta si Regine ng 'And I Love You So' sa reception ay wala nang ibinahagi pang karagdagang detalye ang dalawa kaugnay ng magaganap na event. Maging ang detalye kaugnay ng regalong ibinigay nila'y hindi na ipinaalam nina Regine at Ogie. Paliwanag na lamang ni Ogie kaugnay ng naturang wedding gift, "We have already given our gift to them. We'd rather not talk about it, but we know it's something they'll cherish forever."

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang naiintriga sa ani nila'y kakaibang set up nina Regine, Ogie at Michelle, ngunit hanggang sa kasalukuya'y ipinagkikibit-balikat na lamang nila ang mga ito. Eksplanasyon nga ni Regine patungkol dito, sadyang kahit kailan ay hindi madaling maiintindihan ng mga tao ang espesyal na relasyong mayroon silang tatlo; kaya naman kung ano man ang meron sila'y minamabuti na lamang nilang pangalagaan ito kaysa palakihin pa ang naturang kontrobersya.

Tinatayang matapos ang kasalan ay panandalian munang mamamalagi sa Australia sina Ogie at Regine. Since they are already out of the country, at malayo-layo rin sila sa magulong mundo ng showbiz, they say that they are opting for a quiet week-long vacation bago muling tumulak pabalik ng Pilipinas.