Nanay Dionesia claims she doesn't know Krista Ranillo

Nanay Dionesia Pacquiao firmly says, “Krista? Di ko siya kilala. Di ko siya nakita sa pictures. To see is to believe.”

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/21/2009 1:15 AM
Nanay Dionesia claims she doesn't know Krista Ranillo


Kaninang umaga ay nakabalik na ng bansa ang “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao matapos ang makasaysayang laban niya kay Miguel Cotto nito lamang nakaraang linggo. Kasama ang kanyang asawang si Jinkee Pacquiao at inang si Nanay Dionesia Pacquiao, binaybay ni Manny ang daan palabas ng airport upang tuluyan nang salubungin ang Hero’s Welcome sa kanya ng mga kababayang Pilipino.

At dahil maaring na-anticipate na rin ni Pac-man ang napakaraming intrigang nag-aabang sa kanyang pagbabalik, mahigpit di umano niyang ipinagbilin sa press ang pagbabawal ng mga tanong na may kaugnayan sa sexy-actress na nali-link sa kanya ngayong si Krista Ranillo. Bunsod na rin nito, sinubukan na lamang kunin ng SNN ang opinyon ni Nanay Dionesia kaugnay ng nabanggit na isyu.

Sa naturang panayam, binigyang diin ni Nanay Dionesia na hindi niya kilala ang aktres na nai-involve ngayon sa anak niya; at ganoon na rin lamang ang paggigiit niyang walang katotohanan ang mga larawang nagkalat ngayon sa internet na nagpapakitang magkasama noon sina Krista at Manny nitong kasagsagan ng training ng nahuli sa Baguio. Ani nga ni Nanay Dionesia, “Krista? Di ko siya kilala. Di ko siya nakita sa pictures. To see is to believe.”

Kaugnay na rin nito, ibinahagi ni Nanay Dionesia ang lubos na pagkadismaya sa mga taong pilit pa ring nang-iintriga sa kanyang anak. Di naman daw lingid sa kaalaman ng marami na hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito (nauna na rin dito ang tsismis na nag-ugnay dati kay Pacman at sa sexy-actress ring si Ara Mina). Opinyon na nga lamang ni Nanay Dionesia patungkol sa mga ganitong uri ng haka, “Sa isip ko, mayroong naninira dahil sikat sina Jinkee at Manny.