• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks

Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks

The new generation Superstar explains that her husband Ryan Agoncillo has no exclusive contract with any TV station.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/21/2009 1:42 AM
Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks


Itinanggi ni Judy Ann Santos na lilipat na sa bakuran ng GMA-7 ang asawa niyang si Ryan Agoncillo dahil nakikita na ang actor-host sa noon-time variety show na Eat Bulaga. Paliwanag ni Judai, hindi porke’t nakikitang nagko-co host ang kanyang kabiyak sa programa ng kabilang bakuran ay lilipat na ito. “It does not mean anything,” simula ni Judai. “He’s not naman an exclusive star of ABS-CBN. Matagal na talaga siya dapat pumasok sa Eat Bulaga.”

Say pa ng aktres, sobrang happy niya na napayagang maging co-host ng programa ang kanyang asawa na una naman talagang nakilala bilang host. “Ako, natutuwa ako for him kasi masuwerte siya na maging host ng kasi isa siya sa mga pinayagang makapasok so ako proud ako,” pagbibida ng aktres.

Samantala, isa si Judy Ann Santos sa mga naging host ng ABS-CBN Trade Launch sa Subic Bay, Olongapo City recently. Kabilang kasi ang teleserye ni Judai na Habang May Buhay na overdue na dahil nakailang revision na sila sa nasabing teleserye upang mapaganda ito nang husto. Makakatambal ni Judy Ann si Derek Ramsay sa nasabing teleserye na nauna niyang naging leading man sa Ysabella.

Kasalukuyan ngayong napapanood si Judai sa Sunday romantic-comedy na George and Cecil with Ryan. Sinabi rin ng aktres na umaasa siyang matutuloy ang pelikula nila ni Sarah Geronimo next year.