• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic

EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic

ABS-CBN.com gets the scoop about Judy Ann Santos and Piolo Pascual's brief reunion, Diether Ocampo's chopper ride, and Angelica Panganiban's tearful interview.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/21/2009 1:28 AM
EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic


Halos lahat ng Kapamilya stars ay bumiyahe patungong Subic Bay Exhibition and Convention Center para sa huling trade event ng ABS-CBN network para sa 2009 kasabay ng 21st Philippine Advertising Congress noong Huwebes, November 19. Pero bukod sa very successful ang ginawang full-force ASAP production number ay todo na rin ang bonding ng mga Kapamilya stars lalo pa’t minsan lang silang makapag-out of town ng magkakasama. Umaga pa lang ay nagsidatingan na sila sa White Rock Beach Resort kung saan sila naka-check in that day. Nagsimula naman silang magrehearse ng mga production numbers by lunch time. Dito na nasaksihan ng ABS-CBN.com team ang ilang exclusive behind the scenes stories tungkol sa inyong favorite celebrities tulad ng mga sumusunod:

Piolo and Judai reunited
Relaxed na nakikipagtsikahan si Judy Ann Santos kina Cherry Pie Picache, Gina Alajar, at Rio Locsin sa restobar ng White Rock Beach Resort nang biglang lumabas si Piolo Pascual kasama ang handler nito mula sa isang function room kung saan nagrerehearse ang ibang Kapamilya stars. Nakayukong naglakad si Piolo papunta sa table nila Judy Ann para hindi na takaw-pansin sa media crew na naroon. Pero huling-huli ng ABS-CBN.com na masayang nagbesohan pa ang dalawa at saglit na nagkamustahan—patunay lang na they’re definitely on good terms. Halatang meron pa rin silang chemistry together kaya’t kung magpapatuloy ang clamor ng mga fans na pagbidahan nila ang Ninoy and Cory Aquino biopic ay may posibilidad na matuloy ito.

Diether’s cool chopper ride
Winner din ang grand entrance ni Diether Ocampo dahil siya lang ang kaisa-isang artistang dumating sa resort sakay ng helicopter para lang makahabol sa rehearsal ng trade event. Noong maglanding ang chopper sa tabing-dagat ay maraming napaisip kung sino kaya ang lulan nito pero mismong si Jericho Rosales ang nagtip sa ABS-CBN.com na ito’y walang iba kundi si Diether. Pagkababa mula sa chopper ay agad namang nakakwentuhan namin si Diether tungkol dito. “Ako’y nakiusap lang sa aking kaibigan na si Darius Hizon. Yung pamilya kasi nila ang may-ari ng Pampanga’s Best. Biniro ko lang siya, sabi ko, 'O Darius baka meron kang delivery ng tocino sa Subic. Makikisabay na ako dahil kailangan ko magpunta dun ng rehearsal ng maaga e.’ Tapos tinotohanan naman niya so yun. Galing din kasi akong taping kaya medyo gahol sa oras.”

Angelica burts into tears
Nang magkaroon ng libreng oras si Angelica Panganiban ay pumayag siyang makapanayam ng isang ABS-CBN crew tungkol sa hinahanda niyang dance number kasama ang cast ng Rubi para sa gabing iyon. Pero ng hingin ang kanyang reaksyon tungkol sa balitang namayapa na ang aktor na si Johnny Delgado noong araw ding iyon ay hindi na napigilan ni Angelica ang mapaiyak sa sobrang lungkot. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa pelikulang Santa Santita kung saan nagsilbing actor/scriptwriter si Johnny. Tandang-tanda pa daw ni Angelica ang payo nito sa kanya noon na tapusin niya ang kanyang pag-aaral kahit pa busy siya sa kanyang showbiz career. Hanggang matapos ang interview ay umiiyak pa rin si Angelika kaya agad siyang nilapitan ni Jericho, na leading man niya noon sa Santa Santita, para icomfort ito.