Rhap Salazar sings in the Ellen Degeneres Show

Rhap Salazar breaks through the international scene, and brings yet another honor to the Philippines.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/19/2009 11:03 AM
Rhap Salazar sings in the Ellen Degeneres Show


Martes sa Amerika, naganap ang pinaka-unang American television debut ng 2009 Champion ng World Championships of Performing Arts (WCOPA) na si Rhap Salazar. With his live award-winning rendition of Celine Dion’s All by Myself, talaga namang napahanga niya ang lahat ng studio audience, at maging ang mismong host, ng sikat na sikat na The Ellen Degeneres Show.

Nadiskubre di umano ni Ellen si Rhap mula sa nagkalat na video clips nito sa You Tube; at bunsod na nga raw ng labis na paghanga niya dito’y agad niyang inimbitahan ang 12-taong gulang na bata para lumipad patungong Amerika’t mag-guest sa kanyang show. Sinagot pa di umano ni Ellen ang pamasahe nito.

Inamin ng personal manager ni Rhap na si Kitchie Benedicto na sadyang kabado sila noong mismong araw ng appearance ni Rhap; nagkataon daw kasi na mayroon pa siyang sakit noong panahong iyon. Fortunately, nakisama naman daw ang pagkakatao’t hindi naging sagabal ang ubo ni Rhap sa itinuturing nilang turning point ng singing career nito.

Kaugnay ng once in a life time na pagkakataong ipinagkaloob sa kanya, dumating di umano si Rhap sa Amerikang may bitbit na regalo ng pasasalamat para kay Ellen. Isa di umanong maliit na native jewelry box mula sa Pilipinas ang agad na iniabot ni Rhap sa sikat na talk show host, kalakip ang maikli niyang mensahe: “Dear Ms. Ellen, Thank you. My birthday wish last January was to be invited in your show. Thank you for making my dream come true. Love, Rhap.”

Bilang pasasalamat naman di umano sa naging malugod na pagpapaunlak ni Rhap sa kanyang imbitasyon, pinagkalooban din di umano ni Ellen ng PS3 ang child wonder. At matapos nga ang performance nito, na agad ring umani ng standing ovation, ipinaalam ni Ellen kay Rhap, at sa lahat ng kanyang mga manunuod, na hinding-hindi niya makakalimutan kailan man ang naging pagbabahagi nito ng talento sa kanyang show.