• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang feels honored to co-star with Dolphy in an MMFF movie

Pokwang feels honored to co-star with Dolphy in an MMFF movie

Pokwang says she is flattered that she is the Comedy King's personal choice for a role in 'Nobody, Nobodyàbut Juan.'

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/19/2009 8:51 AM
Pokwang feels honored to co-star with Dolphy in an MMFF movie


Naguumapaw sa kaligayahan si Pokwang dahil nakasama siya sa pelikulang Nobody, Nobody…but Juan, ang pambato ni Dolphy para sa darating na Metro Manila Film Festival. Kahit super busy ni Pokwang ay ginawan ng Comedy King at ang anak nitong si Eric Quizon, na siyang director ng pelikula, ng paraan para magtugma ang kanilang mga schedules. “Sobra akong love na love ng mga Quizon kasi sila talaga ‘yung nag-adjust sa schedule ko para matuloy ‘yung shooting namin. Napakagandang pelikula po nito, entry sa Metro Manila Film Festival. Sana po ay suportahan niyo.”

Ayon kay Dolphy ay personal choice niya talaga ang komedyana ng Wowowee na makasama sa pelikulang ito. “Nakakataba ng puso na ako ang personal choice niya para dito sa Juan. Kasi sabi niya noong una niya akong nakita, parang nakikita raw niya sa akin si Aruray. Honored ako na ‘yun ang tingin niya sa akin,” ang masayang pagbabahagi ni Pokwang.

Kilala si Dolphy sa pagiging galante sa lahat ng tao. Ang usap-usapan ay nakatanggap ng bonggang regalo si Pokwang mula sa Comedy King. Pero paglilinaw ni Pokwang, sapat nang regalo ang maging personal choice ng isang “hari.” “Sapat na sa akin na makatrabaho siya. Malaking karangalan na sa akin ‘yun. Wala naman siyang naibigay na regalo sa akin. Hindi naman ako nage-expect. Pero kung gusto niyang magbigay e ‘di tatanggapin ko, ha ha ha! Seryoso, kumita lang nang bonggang-bongga ‘yung pelikula namin super happy na ako.”

Marami ngayon ang nakakapansin ng pagkakapareho kay Pokwang ng kengkay housemate ng Pinoy Big Brother Double Up na si Melisa Cantiveros. Bukas naman ang komedyana sa posibilidad na pagsamahin sila sa pelikula ng kanyang binabansagang “little sister” na si Melisa. “Napapanood ko siya minsan. Nakakatuwa nga siya e. Sa tingin ko mas gagaling pa siya kapag nakapag workshop na siya ng bonggang-bongga."

Para kay Pokwang, wala namang dahilan para pag-awayin sila ni Melisa. Sa katunayan, sinabi ni Pokwang na nakikita niya kay Melisa ang kanyang pagsisimula sa showbiz noon. “Wala namang dapat maging away. Ganyan din ako nagsimula, contestant sa isang show. Dapat nating i-welcome lahat na may chance sa mundong ito. Lahat naman tayo may karapatang ipakita ang galing natin.”