• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis says she has no issue if Sam Milby gives gifts to other girls

Anne Curtis says she has no issue if Sam Milby gives gifts to other girls

Anne reveals that she has no problem if her ex-boyfriend wants to give Angel Locsin and Bea Alonzo Blackberry phones.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/19/2009 9:11 AM
Anne Curtis says she has no issue if Sam Milby gives gifts to other girls


Matagumpay ang ginanap na launching ng Shop and Share nina Angel Locsin at Anne Curtis sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City kamakailan. Sinuportahan sina Angel at Anne sa launching ng Philippine National red Cross at ng mga kasamahang artista tulad nina Cristine Reyes, Maxene Magalona, Princess Violago, Tim Yap at marami pang iba.

Sa launching nilinaw ni Anne ang balitang bigay ni Jericho Rosales ang Tiffany ring na dinonate ng dating girlfriend ng aktor an si Heart Evangelista para sa Shop and Share. “Hindi totoo ‘yun. Hindi totoo na galing kay Echo ‘yun,” diin ni Anne. Gaano siya katiyak na hindi galling kay Echo ang naturang singsing? “Kasi ‘yun din ang unang-una ko’ng tinanong (sa kanya), ‘Mamaya baka kung kanino galling ‘to, ha.’ Wala siyang sinabi kung kanino galing pero basta, ang alam ko hindi kay Echo.”

Ano naman ang binigay ng ex-boyfriend din niya na si Sam Milby para sa Shop and Share? “Yung guitar niya na ginamit niya sa first movie niya na Close To You, sa first major solo concert niya at saka sa ‘Ang Tanging Pamilya’ (ginamit ni Sam habang kinakantahan si Toni Gonzaga) at saka pinirmahan din niya. Bongga!” Malapit na daw niya itong ilabas sa kanilang website. “…Itong (batch) 15 na ‘to. Bongga na ‘yan, malapit na. Ine-edit ko na lang ‘yung picture tapos makikita na nila.”

Kung si Angel dinonate ang Hermes bag niya sa Shop and Share ano naman ang pinakamahal na binigay niya? “My Channel bag na red. I can’t say kung magkano. Pero hindi naman siya mga P500,000. Nasa mga P250,000 siya. ‘Yung Hermes ni Angel bongga na ‘yan. Kahit ako hindi ko kayang bumili ng Hermes.” Hindi ba siya nainggit nu’ng bigyan ni Derek ramsey ng Hermes bag si Angelica Panganiban? “Hindi naman,” sweet na sabi ni Anne. “Nakakatuwa nga si Angelica nu’ng binigay sa kanya ‘yung bag. ‘Di ba may Kelly, may Birkin ang Hermes. Siya walang kung ano ‘yung Hermes niya basta ang tawag niya doon ‘Linda.’ Wala lang. Naisip lang niya ‘yung name.”

Ano naman ang reaksyon niya sa binigay ni Sam na Blackberry phone kay Bea Alonzo pero tinanggihan ng aktres? “Oo, tinanggihan nga niya, e. Sabi ko nga sa kanya, ‘Tanggapin mo na, please.’ Pero ang ending tatanggapin din niya ‘yan.” Ano naramdaman niya knowing na binigyan ni Sam si Bea ng phone? “Okay lang sa akin. Gusto ko nga lahat kami naka-Blackberry na phone. Siya na lang ang hindi.” Wala naman daw siyang nararamdamang selos sa gesture na ito ni Sam. “Hindi, lalo na sa mga kaibigan ko.” What about sa ibang girls? Aware si Anne maraming na-link kay Sam after ng break-up nila noon. “Hindi na ‘yun maiiwasan talaga. And, siguro bilang mga twelve years na ako dito sa industrya, carry na. Oo, deadma, deadma na.”

Bakit hindi na lang sa kanya ibigay ni Sam ang Blackberry phone? “Hindi kasi naka-Blackberry na ako, e. ‘Tsaka matagal ko nang sinasabi sa kanya mag-Blackberry siya. Noon pa man, I-Phone na I-Phone siya. Sabi ko sa kanya, pangit ang I-phone na ‘yan (laughs). Dalawa kasi ‘yung Blackberry phone niya. ‘Yung isa ibibigay niya dapat kay Angel. Tapos ‘yung isa ibibigay niya dapat kay Barbie Chan. Mapagbigay ‘yun, e. Marinig lang niya na pinag-uusapan nga mga tao, nagbibigay na siya.”

Nakarating na ba sa kanya ang intriga na nagtatampo raw ang Wowowee sa bago nilang show ni Vhong Navarro na It’s Showtime sa ABS-CBN? “Bakit? Hindi naman namin sila napre-prempt. kasi talent show kami. Ang maganda nga doon, ah