• Home
  • Fresh Scoops
  • Pac-man reacts about his rumored romantic link with sexy-actress Krista Ranillo

Pac-man reacts about his rumored romantic link with sexy-actress Krista Ranillo

Manny Pacquiao says the Filipino people should all go celebrate the honor he brought to the country instead of persistently meddling with his personal life.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/18/2009 8:43 AM
Pac-man reacts about his rumored romantic link with sexy-actress Krista Ranillo


Sa idinaos na thanksgiving mass matapos ang makasaysayang pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Miguel Cotto nito lamang Linggo, naging kapansin-pansin ang pagiging emosyonal ng asawa ng boksingero na si Jinkee Pacquiao. Kalagitnaan ng pagsesermon ng pari kaugnay ng importansya ng pag-ibig at pamilya, tuluyan nang napahagulgol si Jinkee at napasandal sa balikat ng isang kaibigan. Sinubukang patahanin ni Manny ang asawa, ngunit mapapansin sa nakuhang video ng naturang tagpo na ni hindi man lamang siya hinarap nito. Haka-haka ng ilan, ang namamayagpag na intriga ngayong pilit na nag-uugnay sa Pambansang Kamao at leading lady nito na si Krista Ranillo ang dahilan ng hinihinalang alitan sa pagitan ng mag-asawa.

Kaugnay rin naman ng naturang espekulasyon, agad na pinabulaanan ng manager ni Krista, na si Arnold Vegafria, ang naturang tsismis patungkol sa ani nila'y romantikong relasyon ng dalaga kay Manny. Paggigiit niya patungkol sa naturang isyu, sadyang mabuting magkaibigan lamang ang dalawa, at hindi na kailangan pang lapatan ito ng ganoong uri ng malisya.

Sa isang panayam naman kay Pac-man sa TV Patrol kanina (November 17), naghayag na rin siya ng saloobin patungkol sa kumakalat na isyu. Mariing giit niya kaugnay nito, "No comment ako about that issue. Bahala na sila magkwento. Siguro, kaya hindi tayo umaasenso dahil pinakikialaman natin ang buhay ng iba... I-honor na lang nila ang nagawa kong achievement para sa mga Pilipino... Iwasan na muna natin kaugalian nating crab mentality."