• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino reveals son Baby James is included in her comeback teleserye

Kris Aquino reveals son Baby James is included in her comeback teleserye

Kris Aquino reveals that her youngest son, Baby James, will be her co-star along with Kim Chiu and Gerald Anderson.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/18/2009 9:29 AM
Kris Aquino reveals son Baby James is included in her comeback teleserye


Makakasama ni Kris Aquino ang kanyang bunsong anak sa kanyang bagong teleserye. Sa autograph signing ni Kris sa SM Mall of Asia noong Sabado, November 14, kinumpirma ni Kris na kasama si Baby James sa pagbabalik-teleserye niya kung saan kasama rin niya sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Inamin rin ni Kris na napag-usapan nila ng kanyang asawang si James Yap ang desisyong ito at pumayag naman si James sa isang kondisyon: na ilang oras lamang ang taping ng kanilang anak upang matiyak na hindi ito mapapagod. Sinabi naman ni Kris na in-assure naman niya ang asawa na apat na oras lamang ang itatalaga sa taping ni Baby James at susunod sila sa nakasaad sa batas kapag pinapayagang magtrabaho ang isang bata.

Halatang excited naman ang Queen of all Media sa paglabas ni Baby James sa kanyang first-ever teleserye. Matatandaang sinabi ni Kris na nagkaroon sila ng alitan ni James hinggil sa pagtanggap ni Kris ng teleseryeng ito dahil nag-aalala umano ang kanyang asawa na mawawalan na siya ng oras para sa pamilya. Matapos ang pagpapaliwanag niya na kailangan niya ang trabaho para makatulong sa kampanya ng kapatid niyang si Noynoy ay pumayag na rin si James.

Tuwang-tuwa ring sinabi ni Kris na Jackson ang magiging pangalan ni Baby James sa teleserye dahil ayaw umanong pumayag ng bata sa ibang pangalan. Ani Kris, sa tuwing tinatawag niyang Jackson si Baby James ay lumilingon ito. In relation to this, nauna na ring sinabi ni Kris na sa kanyang murang edad ay gustong-gusto na ng kanyang bunsong anak na makinig sa mga kanta ng legendary pop icon na si Michael Jackson.

Kris also revealed na sa mga susunod na araw ay sisimulan na nila ang taping ng nasabing teleserye due for next year subalit ang taping naman ni Baby James ay magsisimula pa sa susunod na taon.