• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho says he swore not to fall in love with his leading ladies

Jericho says he swore not to fall in love with his leading ladies

After his relationship with Heart Evangelista, Jericho Rosales promised he wouldn't fall for any of his leading ladies again.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/18/2009 6:43 PM
Jericho says he swore not to fall in love with his leading ladies


Extended hanggang Januray, 2010 ang teleserye ni Jericho Rosales with Kristine Hermosa na Dahil May Isang Ikaw. Dahil dito, kaya na-postpone muna ang plano ni Jericho na makapag-concert next month. “Itutuloy na lang namin next year, mga January isang mini-concert at sa February ‘yung major concert. There’s an offer also for me to do a teleserye and a movie next year. Since January matatapos ‘yung Dahil May Isang Ikaw, kaya baka February na ako mag-start sa bagong teleserye,” bungad ni Echo sa press launch ng bago niyang endorsement na Mint.

Ibinalita rin ni Echo na nagkaayos na ang co-stars niya sa Dahil May Isang Ikaw na sina Lorna Tolentino at Chin-chin Gutierrez. Ayon sa aktor, hindi raw daw niya alam ang kumpletong detalye kung paano nagkaayos ang dalawa’t ibinalita lang din sa kanya ng direktor. “Tumawag ako sa direktor namin kais nga may mga nagtatanong sa akin na press. Tamang-tama naman nu’ng pagtawag ko, okey na pala sila. Naayos na raw. Pero hindi na ako nagtanong kung paano o ano’ng nangyari.” But according to some source, si Chin-chin daw ang gumawa ng move para magkaayos sila ni LT. Pero sabi ni Echo, anuman daw ang nag-transpire sa pagkakabati ng dalawa, masaya raw siya at ipinagdasal niya raw talaga ito. “Oo naman, mahal ko kaya silang dalawa,” say ni Echo.

Dalawang movies na kasali sa 2009 Metro Manila Film Festival ang pinakawalan ni Jericho. Una, ang Panday ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Mano Po 6. Hindi pumuwede si Echo sa Mano Po dahil sa taping niya ng Dahil May Isang Ikaw habang ang Panday naman ay inalok sa kanya ang role bilang kontrabida na si Lizardo na sa tingin niya ay medyo off dahil siya naman ay naging Panday na sa telebisyon. “When they told me about that, nagulat ako. As much as I appreciate the movie, I appreciate the offer, getting me, thinking of me or casting me, but I just can't do it. I mean, ‘yung Ilocos kasi, nag-shoot kami doon dati. ‘Yung mga bata, they know me as Panday. Then all of a sudden, they'll see me as Lizardo. So I said, well, thank you but sorry we can't. We find it a little funny, ‘di ba? Pero okey lang. I wanna watch the movie because usually naman, noong tinanong ako ng ABS-CBN, gusto ko talaga ang Panday for movie. And then they said, TV nga. I think, sobrang hirap ng pinagdaanan namin dahil naging TV show siya at ganoong klaseng concept, ang hirap-hirap. So, I'm very happy with that production at saludo ako kay Sen. Ramon Revilla, nagawa niya sa movie ‘yun."

Hindi naman daw dahil kontrabida ang role kaya tinanggihan niya. Nakagawa na noon si Echo kung saan he played a bida-kontrabida role. “I will play role like that. I will play dark character. Meron akong mga dark character na kailangan kong i-portray. But, I made a promise to myself na kahit ano’ng role na tatanggapin ko, kailangan may value. So, sayang kasi, e.” What about ‘yung role gaya ng ginampanan ni John Lloyd Cruz sa In My Life at may kissing scene? “Ah, it depends. It depends on my purpose. If it calls me to do it as an actor medyo malawak naman ‘yung, okey naman kapag ganu’n. ‘Tsaka siyempre ipre-prepare ko muna ang sarili ko. It’s not, it’s not on the top of my priorities. I think, I have, marami pa kasi mas challenging for me. For me, huh? To tell you honestly, hindi lang ako nagpapaka-ano, arte or what. But I would really think about it. Pag-iisipan ko nang maigi, mabuti. Kasi for me hindi ko talaga iniisip ‘yun, e. I never really thought about it.”

Samanatala, may mga nagsasabi na regalo niya kay Heart Evangelista ang Tiffany ring na binigay ng ex-girlfriend niya para sa ‘Shop and Share’ nina Angel Locsin at Anne Curtis. “Ah, well, if it is for a good cause then go.” Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Heart na may feelings pa rin sa kanya ang ex-girlfriend niya kaya lang hindi pwede ang balikan