• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes gets advice on how to handle boys from Vic Sotto

Cristine Reyes gets advice on how to handle boys from Vic Sotto

The actress says the comedian is very helpful in advising her in regards to her questions about love.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/18/2009 9:24 AM
Cristine Reyes gets advice on how to handle boys from Vic Sotto


Nakaabot si Cristine Reyes sa media launch ng kauna-unahang proyekto nina Angel Locsin at Anne Curtis na 'Shop and Share' na ginanap sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City nu'ng November 14. Isa si Cristine sa mga nag-donate ng kanyang gamit na ipapa-auction sa online donation para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng. "Kagagaling ko lang ng ospital, sa Cardinal Santos dahil sa overfatigue tsaka na-dehydrate ako. Nahihiya ako kina Angela at Anne kaya pinilit ko talaga na makarating dito. At siyempre, kailangang suportahan natin pati yung [Philippine] Red Cross. Nakakahiya naman kay Angel, tinawagan pa niya ako. E, si Angel pa, talagang isang tawag lang niyan sa akin, pupunta talaga ako," umpisa ni Cristine.

Kwento pa ni Cristine na isang pares ng mamahaling sapatos ang kanyang idinonate sa charity. "Isang pair na Louis Vuitton shoes ang binigay ko. Well, wala naman siya talagang sentimental value, pero para sa akin lahat ng shoes ko ay special, e. And gusto ko kung magbibigay ako ng something, yung hindi ko pa nagagamit. Pangit naman kasi kung gamit na iyong ise-share ko, 'di ba? Tsaka mapupunta naman ito para sa mga kababayan nating nangangailangan talaga. Kailangan talaga nating mag-share at babalik din naman sa atin iyan, e," sabi pa ni Cristine.

Tinatapos ni Cristine ngayon ang pagsho-shoot sa first movie niya with the Comedy Prince na si Vic Sotto na 'Darling Kong Aswang.' Kaya hindi kataka-taka na ma-link si Cristine kay Vic. Type ba niya ang lalaking tulad ni Vic na mas may edad sa kanya? "E, huwag na. Huwag nang lagyan ng ganyan. Work lang talaga ito," diin ni Cristine. Pero in real life importante din daw sa kanya ang edad. Hindi niya type ang mas mastured sa kanya gaya ni Vic? "E, si Bosing naman 'yun, e. Siguro mga ano lang ako hanggang mga 30 plus, pwede na ako. Pero huwag naman mga 50 plus. Siyempre gusto ko namang mag-enjoy. Tapos makaka-jive ko. Siyempre, kailangan magka-jive kami. Magka-same-generation. Kung anuman 'yung magustuhan ko,magugustuhan din niya."

Hindi niya type si Vic dahil sa edad niya o talagang hindi niya type ang komedyante? "Uy, huwag naman ganyan. Mabait si Bosing and masaya kasama. Pero kasi syempre, uhm, may iba-iba tayong type. Si Bosing nakikita ko as someone na friend, ganu'n. Kuya, ganyan. Adviser, ganyan. Actually, kapag magkasama kami sa set, kunyari ganyan magkatabi kami. Naghihintay ng set-up, kwentuhan kami at ito ang masayang part, nakwekwento ko sa kanya lahat ng mga boys, ganyan-ganyan, blah-blah-blah. Tanungin ninyo si Bosing alam niya lahat 'yun. Hahaha!"

Marami naman daw na papayo sa kanya si Vic. "Marami siyang payo at lahat ng problema may solusyon siya. Siyempre coming from Vic Sotto, alam niya lahat ng mga diskarte. Number one na sinabi niya sa akin, advise na hinding-hindi ko malilimutan is huwag daw akong mabighani sa boys. Sila raw dapat ang mabighani sa babae, hindi raw 'yung mga babae ang mabighani sa boys. Number two, ah, marami. Ang sabi niya, huwag daw ano, atat, 'yun. Hindi 'yung huwag mai-in love. Sabi niya, okay lang daw ma-in love. Ang sinasabi niya, huwag ka'ng mabibighani sa lalaki. Hayaan mo na sila ang mabighani sa 'yo."

Paano ba niya pinapakita na gusto niya ang isang lalaki? "Actually, alam mo pakipot ako, e. Oo, even na ang image ko very sexy, ganyan, ganyan. Pero once na may lalaking may gusto sa akin sobra