James Yap supports Baby James' baby steps towards showbiz

James Yap says Baby James can pursue a career in showbiz, as long as it doesn't go way past his bedtime.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/17/2009 11:41 AM
James Yap supports Baby James' baby steps towards showbiz


From product endorsements to recording; ngayon naman ay tinatayang sasabak na rin sa larangan ng teleserye ang pinaka-batang talent ng Star Magic na si Baby James Yap. Sa paparating na teleserye ng kanyang ina na si Kris Aquino with Kim Chiu and Gerald Anderson, sinasabing kabilang na rin di umano sa cast ang highly celebrated child.

In line with Baby James’ baby steps towards show business, ang ama naman nitong basketball superstar na si James Yap ay agad ring nagpakita ng suporta. Kanina (November 16) sa SNN ay ibinahagi na ni James sa publiko ang naging pagpayag niya kaugnay ng pagpasok ng anak sa naturang industriya. Siya man daw kasi mismo, madalas niyang makita ang potensyal ng anak na sumabak sa showbiz. Pagbabahagi nga niya kaugnay nito, “Sa labas ng bahay, kapag nakakita [si Baby James] ng madaming tao, lumalabas ang pagka-showbiz. Siguro mana sa nanay.”

Wala di umanong kaso sa kanya ang napipintong pag-aartista ng anak, even at such a young age; pero kaugnay din nito, isang kondisyon naman ang kanyang hinihiling. “Basta huwag mapupuyat [si Baby James]... Kailagan talaga may curfew. Siyempre, bata e” paggigiit niya.