• Home
  • Fresh Scoops
  • Wendy Valdez keeps mum on evidence that she and Bruce Quebral are married

Wendy Valdez keeps mum on evidence that she and Bruce Quebral are married

Although there are allegations that Bruce and Wendy have already gotten married, there are also rumors that they have broken up.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/16/2009 12:50 AM
Wendy Valdez keeps mum on evidence that she and Bruce Quebral are married


Sa kabila ng mga nakalap na ebidensya ng The Buzz hinggil sa balitang kasal na umano ang former Pinoy Big Brother housemates na sina Bruce Quebral at Wendy Valdez ay ayaw pa ring mag-comment ng mga parties involved. Matatandaan kasing todo deny si Wendy na kasal na sila ni Bruce na nagtatrabaho ngayon bilang flight attendant at naka-base sa Dubai.

Sa ulat ng The Buzz kahapon, nagsadya ang team sa office of the municipal registrar sa Mabalacat, Pampanga upang malaman ang totoo. Doon ay nakumpirma na mayroong certificate of marriage ang isang lalaking nagngangalang Bruce Angelo Averion Quebral at Wendy Manalus Valdez na ikinasal noong Marso 10, 2009 bandang alas-onse ng umaga.

Nang subukang kapanayamin ng The Buzz ang nanay ni Bruce ay tumanggi itong magpa-interview at sinabing sina Bruce at Wendy lamang ang makakasagot nito. No comment din ang isinagot ng nanay ni Wendy at pati na rin si Wendy ay tumanggi ring magsalita hinggil sa isyu.

Hindi pa nga inaamin nina Bruce at Wendy na umano’y kasal na sila ay sinasabi na rin na hiwalay na sila dahil sa pagiging malapit ng aktres sa co-actor nitong si Will Devaughn na naging leading man niya sa Precious Hearts Romances Presents: Bud Brothers. Itinanggi naman ni Will na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Wendy na hindi pa sa magkaibigan. “Siyempre we’re close, I mean we worked together, dapat may bonding,” paliwanag ni Will. “Nung natapos ‘yung Bud Brothers, siyempre we still remained friends. We’re always in a group, never kaming dalawa lang. We’re not a couple.”