Sam Milby reveals Toni Gonzaga is his first love in showbiz

Sam wishes Toni a happy love life while Toni assures him that she will always be there for him as a friend.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/16/2009 12:58 AM
Sam Milby reveals Toni Gonzaga is his first love in showbiz


Sa live guest appearance nina Sam Milby at Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, inamin ng Fil-Am actor na si Toni ang kanyang first love sa showbiz. Matatandaan kasi na nagkalapit ang dalawa nung lumabas ng Pinoy Big Brother house si Sam at naging leading lady si Toni. Samantala, very safe naman ang mga sagot ni Toni since masaya naman siya sa kanyang current boyfriend na si Direk Paul Soriano. Nang tanungin ng The Buzz host na si Boy Abunda kung ano ang mensahe ni Sam kay Direk Paul, pahayag ni Sam, “I know na masaya si Toni. Keep making her happy and keep God at the center of your relationship.”

Sinabi naman ni Toni na sobrang saya at proud niya sa mga na-achieve ni Sam sa kanyang career. “Kasi nakita ko ‘yung growth mo as a person and as an artist, ani Toni. “Sobrang proud ako sa mga na-achieve mo. Rest assured na I will always be here for you. I’m just a friend and I’m just here.”

Habang patuloy pa rin sa pagtabo ang kanilang current movie na Ang Tanging Pamilya with former president Joseph Estrada and Ai-ai delas Alas, mayroon namang naka-line up na separate movies sina Sam at Toni. Makakatambal ni Sam sa pelikula ang kanyang dating leading lady and former girlfriend Anne Curtis, samantalang dream come true naman para kay Toni ang makapareha si Robin Padilla na nagbabalik-Kapamilya.