• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen scolds ex-hubby John Estrada via a social networking site

Janice de Belen scolds ex-hubby John Estrada via a social networking site

The actress-host says she just posted what she felt at the time because John was being unfair to their children.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/16/2009 12:53 AM
Janice de Belen scolds ex-hubby John Estrada via a social networking site


Pangalawang pagkakataon na umanong nagmintis ni John Estrada na magbigay ng kanyang monthly support sa kanyang mga anak sa dating asawang si Janice de Belen kung kaya’t nakapag-post si Janice ng pagsumbat sa ex-hubby nito na lumikha ng ingay sa showbiz. Sa Facebook account ni Janice, inilagay niya ang mga sumusunod: “Mahirap bang intindihin na ang child support ay ibinibigay monthly as part of your obligation as a father. Hindi parang abuloy mo lang? Nangaliwa ka na, binigay na ang freedom mo, ‘yun lang kung ano ang dapat para sa mga anak mo, di mo pa maibigay?”

Depensa ni Janice, “Those were my thoughts. I was just thinking aloud.” Aniya naging big deal lamang ang kanyang post dahil malaking social network ang pinanggalingan ng kanyang shout-out. “Like I said I was thinking aloud and I think I’m allowed to do that,” sabi pa ng aktres. Inamin naman niyang overwhelming ang naging response sa kanyang post at maraming nagbigay ng kanilang words of encouragement.

Matapang ding sinabi ni Janice na kung kailangan pa niyang i-post uli ang comment ay handa niyang gawin dahil handa umano niyang ipaglaban ang karapatan ng kanyang mga anak. “Kung di ko kayang ipaglaban ang mga anak ko, sino’ng lalaban para sa kanila,” sambit niya.

Nang makapanayam naman ng The Buzz si John, maikli subalit makahulugan naman ang kanyang pambungad na sagot. “Ipagdadasal ko na lang siya,” ani John. Sinabi niya na handa niyang akuin na siya na ang masama sa sitwasyon at hindi umano niya kayang magalit o sumama ang loob sa ina ng kanyang mga anak. “Nanay siya ng mga anak ko, eh. Paano ako makakapagsalita ng masama sa nanay ng mga anak ko, di ko kaya,” dagdag pa ni John.

Sinabi naman ni John na nakakapag-usap naman sila ni Janice. “Wala tayong magagawa d’yan kasi parati naman sa Pilipinas na lalaki ang masama, di ba, ‘pag naghiwalay. Pero okay lang. Basta ako, alam ko ang obligasyon ko,” tapos ni John.

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback