• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby says he'll insist on giving Bea Alonzo the Blackberry phone

Sam Milby says he'll insist on giving Bea Alonzo the Blackberry phone

Despite Bea Alonzo's previous refusal to take his gift, Sam Milby tells SNN that his decision to give her his extra Blackberry phone remains unmoved.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/14/2009 12:30 AM
Sam Milby says he'll insist on giving Bea Alonzo the Blackberry phone


Nito lamang linggong ito ay nagsalita na sa SNN si Bea Alonzo kaugnay ng tinanggihan niyang regalo sa kanya ng aktor na si Sam Milby. Sa naturang panayam, binigyang linaw ni Bea na naniniwala siyang may iba pang deserving ng ibinibigay na Blackberry phone ni Sam liban sa kanya, kaya naman mas minamabuti na niyang tanggihan na lamang ito.

Di man tinanggap ang iniaalok niyang munting regalo, wala naman di umanong sama ng loob si Sam kay Bea. According to him, he truly respects the fact na sadyang mahal lang ni Bea ang current cellphone niya kaya ayaw nitong kunin ang regalo niya. Para naman daw kasi sa kanya, simple act of showing gratitude for the friendship at sharing ng blessing ang kanyang pagbibigay. Since dalawa naman daw ang Blackberry phone niya, at sayang lang dahil hindi nagagamit ang isa, minabuti na niyang ibigay ito sa isang kaibigan na wala pa nito. Pagbibiro pa nga niya kaugnay nito, “Si Bea na lang talaga left out sa lahat e. Ako, I have an extra Blackberry, so binibigay ko sa kanya para kasali na siya sa Blackberry messaging namin... Di naman sa sinasabi ko na di niya kaya ma-afford. Actually blessed din naman siya ngayon.”

At ngayon ngang wala pa ring nagcle-claim ng extra cellphone ni Sam, sinubukang alamin ng SNN kung nasaan na ngayon at kanino na niya balak ibigay ito. Tatawa-tawang sagot naman niya sa naturang tanong, “Nasa bahay pa. I’ll try it to give it to Bea pa. Ita-try ko ulit.”