• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino receives a very meaningful gift from Sharon Cuneta

Kris Aquino receives a very meaningful gift from Sharon Cuneta

Sharon Cuneta gives Kris Aquino an exquisite yellow Chanel bag to show her gratitude.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/13/2009 12:12 PM
Kris Aquino receives a very meaningful gift from Sharon Cuneta


Isang kaaya-aya’t tunay na makahulugang regalo di umano ang ibinigay ni Megastar Sharon Cuneta sa Queen of All Media na si Kris Aquino. Para raw ipamalas ang gratitude ni Mega sa pagspe-special appearance ni Kris sa pelikula niyang Mano Po 6, isang dilaw na Chanel bag di umano ang ibinigay nito sa aktres. Ani nga ni Sharon, it is the least she can do for Kris. At dahil nga raw na-figure out niyang yellow is a truly meaningful color for the actress, talagang siniguro niya na ganoong kulay ang mabibigay niya in order to honor a beautifully budding friendship.

Sa SNN kanina (November 12) ay buong pagmamalaki namang ipinakita ni Kris ang naturang bag na ibinigay sa kanya ni Mega. At habang ipinapakita pa nga niya ito’y binibiro-biro niya ang co-host niyang si Boy Abunda na hindi niya ito maaaring hawakan, para na rin i-prove ang point niyang it is in fact a possession for keeps. Liban di umano kasi sa kamahalan ng halaga ng naturang bag, the fact na ang Megastar mismo ang nagbigay nito sa kanya makes the gift extra special. Pagbibigay diin nga niya dito, “When I was growing up, Sharon is the ultimate icon, so it is truly an honor for me to receive a gift from the one and only Megastar.”