• Home
  • Fresh Scoops
  • Candy Pangilinan announces her engagement to director GB San Pedro

Candy Pangilinan announces her engagement to director GB San Pedro

Candy admits she can't believe that she has been given a second chance at love.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/14/2009 12:48 AM
Candy Pangilinan announces her engagement to director GB San Pedro


Masayang ipinakita ni Candy Pangilinan ang kumikinang-kinang na suot niyang diamond ring sa premiere night ng Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round ng Star Cinema. Bigay daw ‘yun sa kanya ng boyfriend niyang si Direk GB San Pedro bilang engagement ring. “Yes, I’m engaged,” proud na sabi ni Candy. “ Binigay niya sa akin to nu’ng November 1, All Saints Day sa Tagaytay. Buti nga November 1 at hindi November 2, ‘yun mismo ang araw ng mga patay. Araw ‘yun ng mga santo. Humingi siya ng tulong sa mga santo para mmaibiga ‘yung singsing. Hahaha!”

Paano binigay sa kanya ‘yung singsing? “E, ‘di nagdi-dinner kami. Tapos dessert na, may cake, ganyan. Habang kumakain ako tanong siya ng tanong sa akin kung may nakita raw ba ako. Wala sabi ko. ‘Yun pala nasa gilid lang nu’ng cake ‘yung singsing. Hindi ko makita kasi malabo ang mga mata ko. Kaya pala ikot siya ng ikot nu’ng plato na nilalagyan nu’ng cake. Pero nu’ng nakita ko na nagbulag-bulagan ako. Kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang teka, handa na ba ako pakasal sa taong ito? Kasi ‘yun na ‘yon, e.”

So, ikakasal na sila ni Direk GB? “Hindi pa naman. Hindi naman kami nagmamadali. Wala namang taksing naghihintay. ‘Tsaka inaayos pa ‘yung church wedding namin. Hindi naman siguro matagal ‘yun. ‘Yung civil wedding namin sa kanya-kanya naming partner dati, annulled na. Pero pareho kaming hindi pa naayos ‘yung church wedding.”

Sa huling panayaman namin kay Direk GB kasama niyang pupunta sa Rome si Candy para sa imbitasyon na maipalabas doon for exhibition ang indie film niya na “Astig.” Mauuna ba muna ang honeymoon bago ang kasal? “Hindi na tuloy ‘yung Rome. Nagkaroon ng problema sa visa for Rome si GB. Ewan ko ba bakit hindi siya na-grant. E, pinakita na niya lahat pati ‘yung imbitasyon niya for the filmfest, dineadma lang. Isa nga ‘yan sa mga problema sa gobyerno natin na hindi masyadong nabibigyan ng atensyon.”

Hindi makapaniwala si Candy na magkakaroon pa siya ng second chance na maikasal ulit at lumigaya. “Natutuwa nga ako kay Lord dahil naimbento niya ang salitang ‘second chance’. . . basta para sa akin, bonus sa buhay ko si Direk GB,” tapos ni Candy.