• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis on supporting Noynoy Aquino's presidential bid: 'I think he knows what he's talking abou

Anne Curtis on supporting Noynoy Aquino's presidential bid: 'I think he knows what he's talking abou

Anne explains her management outfit Viva Films had no say in her choice to support Sen. Nonoy Aquino's bid for the presidency.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/14/2009 12:53 AM
Anne Curtis on supporting Noynoy Aquino's presidential bid: 'I think he knows what he's talking abou


Umaani ng papuri ang bagong morning show ni Anne Curtis sa ABS-CBN na Showtime. Aminado si Anne na nag-a-adjust ang kanyang katawan sa paggising ng maaga. “Siguro kasi 'yong body ko sanay sa taping na tulog ako ng ganitong oras,” bungad ni Anne habang kausap namin sa dressing room niya pagkatapos ng live episode ng Showtime. “Kasi natatapos ako sa taping ng 5:00 a.m. na nagpa-pack up. Tapos 8:00 a.m. or 7:00 a.m. talagang kailangan bumabangon na ako kasi Parañaque ako, ‘di ba? Nasanay naman na ang body clock ko na medyo maagang nagigising. 'Yung first few days, kahit maaga akong nagigising, late pa rin ako. Hindi ko kaya. Pero ngayon, everyday na akong maagang gising. Kaya ko na matulog ng maaga,” panimula ni Anne.

Anne reveals na isang magandang surprise ang Showtime sa kanya. “Wala siya sa contract ko. Parang bonus siya at sobra ko naman siyang nagustuhan. It was a surprise to me kasi originally hindi siya kasama sa contract ko with ABS-CBN. I have a one year contract for a teleserye and ASAP. Hindi ko nga alam na may bagong show ako, e. Tinext lang ako ni Vhong (Navarro), wala ako sa rehearsal namin. Hindi ko siya maintindihan kasi I knew anothing about it. Until nu’ng mage-ere na kami saka lang sinabi sa akin.”

Next year na raw gagawin ang teleserye niya. But anytime now ay magi-start na sila ng ex-boyfriend niya na si Sam Milby for their first movie together mula sa Star Cinema, titled Maybe This Time. Kaya habang wala pa siyang nasisimulan na acting project, ginagawa muna niya ang pagho-host ng Showtime with Vhong, Kim Atienza, ang lead singer ng Rocksteddy na si Teddy Corpuz at ang Itchyworms member na si Jugs Jugueta. “First time ko na ganito. Kasi, before nag-Star Circle Summer Kid Quest ako. Tapos nag-Qpids din ako, e, reality show naman 'yon. Ito kasi live, everyday, Tapos, ito talent show. E, ‘di ba ito 'yong uso ngayon sa YouTube na videos? Kaya naloka talaga ako, 'Ay gusto ko 'yan!'"

Kasunod nito, nagkwento si Anne tungkol sa partisipasyon niya sa MV campaign ni Senator Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na “Hindi Ka Nag-iisa.” Bago gawin ang campaign ni Sen. Noynoy, isa si Anne sa mga celebrities na kasama sa dinner na inoragnize ni Kris Aquino para sa nag-iisang kapatid na lalaki na tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2010. "When we attended that dinner, open-minded ang lahat na pwedeng mag-support, pwede ring hindi. Basta ito ang chance to get to know him para alam mo, if ever you support him, alam mo kung saan siya nanggagaling at ano (ang plans) niya. "Ang tinanong ko lang was, 'Let's just say we all decide to support you,' sabi ko, 'What are your plans for us? What can we do?' Nandiyan na kasi ang mga anti-drugs, nand’yan na ang mga (ibang issues). Sabi ko, 'How will you stand on your own and make something different?' Ano sinagot ni Sen. Noynoy sa kanya? “I will not say na lang ‘yung ibang details but there are so many things that he can do. He brought up education, mayroon pang feeding. So far, I think he knows what he's talking about."

So, si Sen. Noynoy na ang iboboto niyang Presidente sa 2010? “Well, for me, parang we're all keeping all our minds open. I think, so far, he's the one kasi na ang linis ng reputation sa policy. I don't think he'll do anything to ruin 'yong legacy ng family." Nagpaalam ba siya sa kanyang manager bago siya lumabas sa campaign? "Hindi, kasi for me, it's my personal life na. You know, I think from the beginning, I've always been one of their talents na parang whatever I believe in, [hindi nila pinakikialaman]. From the beginning naman 'yon, even in terms of love team. I believe that, yes, this is my career, and I love my acting, but this is not acting. Viva naman has always allowed me. Me, I always live my life how I want to live it. I've never been one na parang, 'Yon