Anne Curtis on Sam Milby: 'We're not rushing into anything'

Could love be lovelier the second time around for Anne Curtis and ex-boyfriend Sam Milby?

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/13/2009 8:29 AM
Anne Curtis on Sam Milby: 'We're not rushing into anything'


Sa isang panayam kay Anne Curtis ay naitanong ng ABS-CBN.com ang napapabalitang nagkabalikan na sila ni Sam Milby. “Hindi naman namin dine-deny na we get to hang out again. He took the initiative naman na, you know, um-effort na parang nag-aaya na lumabas. Noong time na 'yon kasi hindi na talaga kami nag-uusap, e. So, at least, may ganun nga. Natatawa nga ako, sabi ko sa kanya, 'Naku, noong last year, kinailangan ko pang mag-New York dahil sa 'yo!' Ngayon nakakapagbiruan na lang ng mga ganyan. Sabi naman niya, 'Yeah, you know, you were not the only one who had a hard time.' Sabi ko, 'No, it's okay, I can laugh about it now.' Pero noong panahon na iyon, 'Oh my God!'"

Sabi nila, love is lovelier the second time around. Naniniwala ba siya dito? “Ganun ba 'yon?" Anne asked with a smile. Then she said, "Well, let's just see kung ano'ng mangyayari. I mean, I think it's safe to say kasi na hindi namin minamadali. ‘Di ba, ang daming nagmamadali na basta okay na, balikan na. I think it's safe to say na we're not rushing into anything siguro, which is advice din naman ng lahat ng tao."

Masasabi ba niya na ‘yung nangyari sa kanila ni Sam ang pinakamahirap na pinagdaanan niya among her past boyfriends like Oyo Boy Sotto, Richard Gutierrez and Paolo Araneta. "Madugo talaga siya," diin ni Anne. "Pero, you know, I think it adds to your maturity. Kasi, sobra naman kaming nag-grow noong time apart namin. I think kay Sam 'yung pinaka-nag-grow ako kasi nag-stage ako ng hindi ako nagseseryoso. Dito na ako nag-serious factor. Kaya siguro ganun din ang breakup ko. Kaya siguro ‘yung mga past breakup ko kering-keri lang, na parang okay lang. This one, it took a while talaga. Nag-move on na talaga ako."

Nung tanungin namin kung mahal pa ba niya si Sam, Anne says ‘di naman daw nawawala talaga ang pagmamahal. “Alam mo, hindi naman talaga mawawala 'yon. But when I decided to move on, ni-let go ko na ang hoping na ganyan, 'Ay, naku, tigilan na 'to!' Nag-move on na talaga ako. You know, the love, it's still there but it's not parang [pressured] na dapat may something. Parang hindi ko bibigyan ng meaning 'yong mga effort niya hangga't tumutodo talaga siya, ganun. Kung mayroon, okay lang. Kung wala, okay na ako kung wala. Pero kung dati 'to, parang hindi ko kaya. I guess it's safe to say na, of course, the love is there. Parang just the same love I have for sinaunang Oyo pa is there. Pero hindi na siya yung kailangan nasa life ko siya. Kaya ko naman kahit wala,” paliwanag ni Anne.

Sa kabilang banda, very active rin si Anne sa fundraising project nila ni Angel Lcosin na “Shop and Share” sa internet. "Ang dami na naming donations, mga 250 (items)! Nasa thousands of dollars na. Pagdating ng US$10,000, once we reach that, ibibigay namin sa I think it's more of (the Philippine National) Red Cross talaga muna. I think we are no longer in need of relief goods. Kasi ang dami na ngang walang pera, livelihood na ang kailangan. Kailangan nang ayusin ang mga kalye, schools, kahit pakonti-konti lang. I think that's where we should start... We also have to give a way na parang they will help themselves. 'Yon ang kailangan, hindi 'yong naghihintay lang sila."